Chapter 10

2.1K 102 1
                                    

Isinandal ko ang aking nanakit na likod sa swivel chair. Katatapos ko lang basahin at pirmahan ang tambak na papiles sa aking harapan.It almost 6 PM, pagabi na pala hindi ko namalayan ang bilis ng oras. Tumayo ako at kumuha ng tubig sa fridge, iniisip ko ang maaaring madatnan sa bahay.Sana hindi gumawa nang disaster ang babaeng 'yon sa loob ng pamamahay ko.Bumalik ako sa mesa upang iligpit ang gamit. Binuksan ko ang drawer, nakita ko ang bracelet na napulot ko noong nakaraang linggo. Katulad na katulad ito sa bracelet na aking ibinigay sa batang babae noon.Ipinaikot ko ito sa aking daliri at muling ibinalik sa drawer. Lumabas ako ng opisina at nag-drive pauwi.TAGATAK ang pawis ko habang nakaharap sa kawali. Nagpi-prito ako ng isda,hindi ko malaman kung ano ang gagawin dahil masakit ang talsik ng mantika sa kamay at braso ko.Nakaluto na ako ng menudo kung menudo nga ba ang tawag sa ginawa ko, medyo maalat ang timpla pero pwedi ng pagtiyagaan.Paparisan ko iyon ng isda na piniprito ko pa.Iyong kanin, medyo matigas. Hindi ako marunong magsabaw, dapat pala dinamihan ko ang paglagay ng tubig para maging malambot.Sa wakas ay natapos ko rin ang ginagawa ko, yun nga lang mukhang hindi na isda ang pinrito ko dahil durog na at wala ng balat. Kawawang isda.Bahala na, alam naman ni Luigi na hindi ako marunong magluto. Napasubo lang ako dahil sa kasalanan ko.Nilinis ko lahat ng kalat sa kusina. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking kamay, sobrang pula niyon. Nagka-allergy ako sa sabon idagdag pa 'yong mantika na tumalsik sa akin. Titiisin ko na lamang ang hapdi, mamaya ko na ito gagamotin sa bahay.Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang pagdating ng kamahalan. Kumokulo na rin ang aking sikmura, paano ba naman tinapay at juice lang ang aking kinain buong araw.Bumukas ang pintuan, mabilis akong tumayo, nakita agad ng mga mata ko si kamahalan este si Luigi na papasok.Tumingin siya sa akin,pero blangko ang mukha. Napadako ang tingin nito sa nakahain sa mesa.Tumaas ang sulok ng bibig ni Luigi. I secretly bite my lower lip."Sorry,hindi maganda yong hitsura ng isda. H-hindi kasi ako marunong mag-prito pero lasang prito pa rin naman yan." Tumingin si Luigi sa isda. "obviously." Mapanuyang sagot niya.Pilit na tinatago ko ang kamay sa likod habang kinakamot ng marahan dahil nangangati iyon."Ah,nagluto rin ako ng menudo. M-medyo maalat nga lang,pero hindi naman masyado."Lumakad si Luigi palapit sa mesa. Napailing ito sa nakitang mga pagkain."Did you put water on the rice? Hitsura pa lang nito mahirap ng nguyain.""O-oo... konti nga lang. Kaya medyo matigas."Napapikit ako ng sumubo si Luigi ng menudo. Dahan-dahan kong binuksan ang isang mata upang tingnan ito.Mabilis sya'ng naglakad papunta sa lababo at dinura doon ang laman ng bibig."May plano ka bang bigyan ako ng sakit sa bato? You are wasting the food!""S-sorry...I t-told you. Hindi ako marunong magluto." Nangangatog na sagot ko."Then, learn how to!" He shouted. "Iligpit mo yan at umuwi kana."Alangin akong tumingin kay Luigi. "H-hindi ka kakain?""Sa tingin mo, makakain ko ang ganyang pagkain? Mag-isip ka nga!"Pasigaw na sagot niya sa akin. Yumuko ako ng maikubli ang namumuong luha sa aking mga mata."S-sayang kasi,pinaghirapan kung lutoin yan."Bumuga ng marahas ang kaharap ko."Ikaw ang kumain kung gusto mo,luto mo naman yan. Edi, ikaw ang kumain."Tinalikuran niya ako. Kinuha ko ang mga pagkain,dadalhin ko na lamang sa bahay total kanina pa kumakalam ang sikmura ko.INIS na hinagis ko ang bitbit na suitcase sa kama at pabagsak na umupo sa couch.Nadagdagan ang sakit ng ulo ko sa mga pagkain na hinain ni Vanessa. I only wants her to learn how to cook simple dishes. Pero kahit pagsaing ay hindi alam ng babae.Ang totoo ay kumain na ako bago pa man umuwi, I already expected horrible dishes on the table pagdating ng bahay at hindi nga ako nagkamali.Pumikit ako ng ilang sandali bago nagbihis. Nagpasya akong silipin si Vanessa kung naroon pa ito sa kusina. Pero hindi ko na siya makita marahil ay naka-uwi na.Lumabas ako ng laundry area upang tingnan ang mga nilabhan ni Vanessa.Nalukot ang aking noo ng makita ang paraan ng pagsampay nito ng mga damit. Napadako ang tingin ko sa lahat ng puting t-shirt at polo. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kung ano ang ginawa nito.Dali-daling akong lumabas ng bahay upang komprontahin si Vanessa. Bahagyang nakabukas ang pinto ng bahay nito kaya pumasok ako ng walang pahintulot.Sisigaw na sana ako ng makita ko ito sa sofa na natutulog, may isang cup noodles sa harap na wala ng laman katabi non ay isang gamot na sa tingin ko ay isang ointment.Mapayapa ang mukha nito,tila parang anghel ito kapag tulog. Pero kabaliktaran naman sa tuwing gising.I cursed silently when I saw her hands.Pulang-pula iyon na paakyat sa braso at may mga pantal din ang kamay. Nakonsinsya ako habang tinitigan siya.Kinuha ko ang kanyang kamay, "I'm sorry,hindi ko gustong gawin ito s'yo. Pero lahat ng ito ay para sa kapakanan mo." Alam ko na hindi ako naririnig ng kausap. Hinaplos ko ang braso niya na namumula.Pumunta ako sa harapan upang buhatin siya at ipasok sa kwarto.Napansin kong mas gumaan siya hindi kagaya noong isang araw ng buhatin ko ito.Ibinaba ko si Vanessa sa kama at binalikan ang ointment para lagyan ang braso nito. Tulog mantika ito kaya malaya kong napagmasdan muli ang kanyang mukha.Nag iwan ako ng note sa bedside table na madali nya'ng makita.Lumabas ako upang makapagpahinga na rin. Palalampasin ko na lang ang ginawa niya sa mga damit ko.PUPUNGAS-PUNGAS akong gumising, tiningnan ko ang relo. Napalundag ako sa kama ng makita kung anong oras na. Tinanghali ako ng gising dahil sa panankit ng buong katawan. Akmang papasok ako ng banyo ng mapagtanto na sa labas ako nakatulog kagabi. Paano'ng narito ako sa silid? Isinantabi ko muna na isipin iyon,mabilis akong naghilamos at nag-toothbrush. Nagpalit ako ng damit at pumunta sa kabilang bahay. Marahil ay nakaalis na si Luigi kaya binuksan ko na lamang ang pinto.Kaonti na lang ang lilinisin ko ngayon, hindi na masyadong makalat ang bahay hindi katulad kahapon. Nananakit pa rin ang buo kong katawan pero hindi ko iyon ininda. Maglalagay na lang ako mamaya ng salon pass.Kinuha ko ang labahan ng lalaki, kaonti rin lang iyon. Sinulyapan ko ang aking kamay na namumula. Mahapdi ang balat ko na natalsikan ng mantika kahapon.Pumwesto ako sa laundry area,halos mangiyak ako sa sobrang hapdi dagdagan pa ng allery ko.Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito,pwedi naman akong umurong sa kasunduan namin ni Luigi at puntahan na lamang si kuya. Pero hindi ko maintindihan ang aking sarili,siguro dahil gusto ko rin na patawarin niya ako. Ayokong magalit siya sa akin. Binilisan ko ang pagkusot para mabanlawan at maisampay na ang mga damit nito.Iniisip ko kung magluluto ulit o bibili na lamang sa labas. Sa huli ay natagpuan ko ang sarili na papalabas ng condo. Ayaw kong magluto baka hindi na naman makain iyon.Sumuka ako kagabi matapos sumubo ng dalawang kutsara na niluto ko kaya itinapon ko na lang iyon sa basurahan. Nakuntinto ako sa isang cup noodles para kahit papano magkalaman ang sukmura ko.Matapos bumili ay bumalik na ako ng unit ni Luigi. Mamaya-maya ko na lang ihahain ito masyado pang maaga.Umupo ako sa couch,kapag wala akong ginagawa nararamdaman ko ang sakit at kati sa kamay. Tinampal-tampal ko iyon. Tahimik na tumulo ang aking mga luha.All my life, I live like a princess and I didn't expect to fell in this situation.I cried silently,remembering the kind of life I had before. Ginusto ko ang nangyari dapat lang na pangatawanan ko ito. Tumayo ako at inihain na ang pagkain, ilang minuto na lang siguradong parating na si Luigi. Bumalik ako sa couch pagkatapos maayos ang mesa. Naghintay ako sa pagdating ni Luigi hanggang sa sumapit ang alas otso ng gabi ngunit wala pa rin ito.Humiga ako sa couch dahil nangangalay ang balakang ko sa kakaupo.NAGULAT ako nang madatnan si Vanessa sa bahay. Nakahiga ito sa couch, nakalalay ang dalawang kamay sa couch. Nag-iwan ako ng note rito kagabi na magpahinga muna. Pero heto ito ngayon dito sa bahay ko."Vanessa,gising." Tinapik ko ang pisngi niya.Bumalikwas siya ng bangon ng makita ako."Sorry, nakatulog ako."Halata ang pagod sa mga mata nito. Tumingin ako sa kanyang kamay, mas lumala ang pamumula niyon."You didn't read my note?"Nagtatanong na tumitig sa akin ang kanyang mga mata."What note?""I left a note in your bedside table, hindi mo iyon nabasa?""No."Tinabig ko ilang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha para mawala ang tensyon nito, ramdam ko kasi na kinakabahan ito. "C'mon, get up gagamutin natin ang sugat at allergy mo."Alanganin itong tumayo. Iginiya ko siya papasok sa silid ko. I told her to sit on bed. Kinuha ko ang first aid at dinala sa harapan niya."I told you to rest, akala ko nabasa mo iyon. Saan mo nakuha ang allergy mo?"NAKIRAMDAM ako ng ilang sandali kay Luigi. Pumikit ako ng maramdaman ang hapdi, may kung ano'ng idinampi si Luigi sa sugat ko."Are you hurt?" Nag-alalang tanong niya sa akin.Umiling ako bilang sagot. Pero ang totoo ay pinipigilan ko na huwag umiyak."You're lying,Vanessa. Tell me the truth." Idiniin niya ang cotton balls. Gusto ko sya'ng tadyakan sa ginawa niya.Hindi ko na napigilan ang aking luha, napasigok ako sa sobrang hapdi. Manipis lang naman kasi ang balat ko at sensitive pa."M-masakit." I admitted. Hindi lang ang sugat ang tinutukoy ko kundi pati na rin ang puso ko.Hinipan ni Luigi ang kamay ko. Tumingala siya sa akin at pinahiran ang luhaan kong pisngi."Sshh,I'm sorry. Nilinis ko lang bago lagyan ng gamot. Pupunta tayo ng hospital para maturukan ka ng anti allergy."Umiling ako. "Wag na,hindi na kailangan. Mawawala rin to, ipapahinga ko lang.""No. pupunta tayo ng hospital sa ayaw at sa gusto mo. If you haven't notice,lumala ang pamumula ng braso mo."Natameme ako sa sinabi niya dahil iyon ang totoo.Pinipigilan ko lamang na kamutin iyon. Dahil baka magkasugat lalo. Tama ng kamay ko lang may sugat. "Sige, magbibihis lang ako." Naka short kasi ako at naka t-shirt.Pinasadahan ako ni Luigi ng tingin mula ulo hanggang paa."No need, okay na yan. Here take this, isuot mo dahil malamig sa labas."Kinuha ko ang inabot nya'ng jacket, nanunuot ang bango ni Luigi. Akma ko iyong susuotin ng pigilan ng kamay niya ang kamay ko."Ako na, you have to be careful. Makati ba ang braso mo?""O-oo, pero pinipigilan kong kamutin baka masugatan ko lang." I answered him.Hinaplos ni Luigi ang dalawang braso ko. Napatingin ako sa kamay niya na tumataas baba. Kahit makati iyon ay tila ba tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa init na hatid ng kamay nito. Napalunok ako ng mapadako ang mata ko sa mapupulang labi ni Luigi."Ahm, may binili pala akong ulam. Hindi ko na kasi nagawang magluto pa." Sabi ko para patayin ang nakakailang na katahimikan."I will put it in the fridge. Kakain tayo sa labas,pagkatapos mong matingnan mamaya. Tara na."Tumayo ako ng kama,sabay kaming lumabas sa unit niya. Inalalayan ako ni Luigi, nakapulupot ang braso nito sa bewang ko hanggang makababa kami sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ito umikot sa kabila.Hindi ko inaasahan na pati pagkabit ng seatbelt ay oobligahin pa ni Luigi."Thanks," nasabi ko na lang."Huwag ka ng magtrabaho bukas, magpahinga ka and the next day if okay ka na papasok ka sa opisina ko. You're my personal assistant starting on Tuesday," tumingin sa akin si Luigi. "Understood?"Napalunok ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya."Ahm...yes, but-...""No buts Vanessa, magtatrabaho ka sa akin simula Tuesday. Don't worry I will pay you.""Hindi naman bayad ang pinoproblema ko eh," reklamo ko."So, ano?" lumingon siya sa akin. Kinakagat ko ang ibabang labi ko, "stop that, van!" Napapreno siya bigla. Mabuti na lang at wala masyadong sasakyan sa daan dahil gabi na rin."H-ha?" nabigkas ko na lang.Humugot siya ng malalim na paghinga bago sumagot,"nothing."TBC

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon