Chapter 29

2.4K 93 13
                                    

Unedited- expect typos and grammar error.

Mahigpit kong hawak ang kamay ni Louise, narito kami ngayon sa siyodad. Ipinasyal ko sya'ng muli, naaawa na ako sa anak ko na laging nag-aabang sa pagdating ng ama.

Kasalanan ko kung bakit hindi na bumalik si Luigi, pinanindigan talaga nito ang sinabi ko sa kanya. Dalawang linggo na buhat nang mangyari ang sagutan sa pagitan namin, at aaminin kong namimiss ko siya ng sobra. Every other day pinapasundo niya si Louise, pero tatlong araw nang huli nya'ng ipinasundo ang anak namin. At nasasaktan ako sa tuwing, uupo si Louise sa gilid ng pintuan, yakap ang manika habang nag-aabang na may darating.

"Mommy, gusto ko ng ice cream, bili tayo please?" Bahagyang niyugyog ni Louise ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Sure,darling. What flavor do you want?" Nagtungo kami sa ice cream booth.

"Hmm...I want strawberry, mommy!" She giggled.

"As you wish, darling."

Pagkatapos bumili ay umupo kami sa naroong stole.  Masayang kumain si Louise habang ako ay abala naman sa kakapahid ng gilid ng bibig niya dahil nga bata at makalat kumain.

"Want some more?"

"I'm full mom! Let's go to WOF,mommy! I want to ride a horse."

"Pero baka mahulog ka."

"I won't mom, sumakay na ako dati kasama ko si dad-" she stopped and stared inside the coffee shop we've passed by. Nang sundan ko ang tingin niya ay biglang nanghina ang tuhod ko. Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko. Kumirot ang puso ko kahit na hindi dapat ako naaapektuhan ng ganito. Pero bakit nasasaktan ako ngayong may kasamang ibang babae si Luigi. Mababakas sa mukha nito ang kasiyahaan.

Pumikit ako ng mariin upang hindi malaglag ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Bago paman ako dumilat ay mabilis nang kumawala sa pagkakahawak ko si Louise at tumakbo sa loob ng coffee shop kung nasaan naroon ang ama.

"Louise!" Dali-dali akong sinundan siya.

"Daddy!" She yelled.

MABILIS akong lumingon pagkarinig ng pamilyar na boses.

"Louise! God, sweetheart what are you doing here?"

"I'm with mommy."

Agad akong tumayo at sinalubong ang anak ko. Natuon ang paningin ko sa pintuan ng coffee shop, naroon si Vanessa nakatingin sa amin. Hindi ko mabasa kong ano ang nasa utak nito. Unti-unti sya'ng lumapit sa amin, tila binibilang ang bawat pag hakbang.

"I'm sorry to disturb, hindi ko alam natatakbo rito si Louise."

"It's ok..." tumingin ako sa kausap kong babae kanina.

"Trina,she's Vanessa... and Van, she's Trina."

"Hi nice to meet you, Vanessa. I'm Trina."

"Same here." Tipid na sagot ni Vanessa.

Tumikhim ako.

"And this is Louise Trin,my beautiful daughter."

"Hello, beautiful! Your daddy is right, ang gandang bata mo."

"Thank you po." Sagot ng anak ko.

"Ahm...pasinsya na sa disturbo. Napadaan lang talaga kami. Louise,tara na..."

"No,it's ok...tapos na rin kami mag-usap ni Luigi, why don't you sit and have coffee first." Sagot ni Trina.

Nakita kong hindi komportable si Vanessa.

"Mommy...can we stay here, please?"

"No, Louise. Nakakadisturbo na tayo sa daddy mo at sa kasama niya. Tara na..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon