Chapter 28

2.3K 108 17
                                    

BINABALAGTAS KO  ang kahabaan ng highway patungo sa Shop ni Vanessa kung saan sila naroon ng anak namin. Maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay. Ayokong itali ang sarili ko sa loob ng opisina ngayong araw, gusto kong masilayan ang mag-ina ko. Gusto ko palagi silang nakikita ng mga mata ko. Kagabe lang sila umalis ng bahay,but it seems like years.

I volunteered to drive them back last night but Vanessa stop me and insisted not to. So, I've left in there hanging though I really wanted go with them.

Nasa tapat na ako ng shop nang makita ko na may isang kotse na nakaparada sa loob. Pagkaparada ko ay umibis kaagad ako ng sasakyan.

Diretso ako ng pumasok sa loob ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makita ko si Vanessa na masayang tumatawa kaharap ang matangkad na lalaki. May biglang dumaan na kirot sa puso ko.

It's the laugh I'm longing to see. I remained silent while still standing looking at the two pair who are happily talking. I gloomy smile form in my lips. I wanted to be in the position of the man who made her laugh. I envy him but what should I do if I still don't have the right to her. Anak lang namin ang komukonekta sa aming dalawa.

"Daddy! You're here!"

Ang matinis na boses ni Louise ang nagpabalik sa naglalakbay kong diwa. Ngumiti ito at patakbong sumalubong sa akin, agad akong yumuko at sinalubong ng yakap ang anak ko sabay buhat.

"As I promised." I kissed her cheeks cheerfully.

She giggled as her little arms clung around my neck.

"I miss you,daddy."

"I miss you too,sweetheart."

Humagikhik ng tawa si Louise sa leeg ko. Napangiti ako sa kasiglahan ng anak ko.

"Sana daddy, dito ka na lang po tumira kasama namin."

Kumalas siya ng yakap sa akin, ngumiti ako sa kanya, hinawig ko ang buhok niya at ikinawit sa kanyang tinga.

"May gagawin lang si daddy, pagkatapos magkakasama-sama na tayong muli. Kaya wag ka ng mmalungkot. Everyday kang dadalawin ni daddy dito. Just be a good girl to your mom,okay?"

Sandali itong hindi umimik, naging seryuso ang mukha at lukot ang kilay na tila isang matanda na nag-iisip. Nilalaro nang mga daliri ang tali ng damit nito.

"Saka bantayan mo ang mommy, wag mo hayaang ligawan siya ng iba, okay?"

Tumingin ako sa gawi ni Vanessa at ng lalaki na ngayon ay pareho nang nakatingin sa amin ni Louise. Ibinalik ko ang atensyon sa anak ko na nakanguso sa akin.

"I hate that guy,daddy." Pabulong nya'ng sabi sa nagmamaktol na boses, "he always here, and I don't like him."

"Sshh... pareho lang tayo." Sagot ko nang nakangiti. Humagikhik ito at muling yumakap sa akin.

Ibinaba ko si Louise hawak kamay kaming naglakad patungo sa dalawa. I clenched my jaw when I saw the man holding Vanessa's hand. Gusto kong sumugod at suntukin nang malakas ang mapangahas na lalaki.

Tumigas ang anyo ko nang tumingin kay Vanessa. Hindi man lang nito binawi ang kamay at hinayaan pa talagang hawakan siya ng lalaki.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa bisita mo?" Sarkastiko kong sabi pagkatapat sa kanila.

Naiilang na iniwas ni Vanessa ang paningin sa akin. Hinila niya ang kamay sa lalaki ngunit pinigilan iyon ng huli. Masamang tinitigan ko ito diretso sa mga mata. He smiled. As if he won the battle.

Vanessa hemmed to get our attention. Nagdidilim ang mukha kong napatingin muli sa kanya.

"Ahm... si Harold, Harold si Luigi."

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon