Chapter 18

2.3K 125 13
                                    

"HOW DID YOU KNOW na pupuntahan kita?" Habang sakay kami ng elevator.

"Luigi, called me." He said in cool.

"So, mas close na kayo kesa sa akin, ha?"

"Silly." Tumawa ito pero hindi umabot sa mga mata.

I know there's something bothering him. I looked at Shane.

"Nasaan ang yaya ni Shanelle? Bakit kasama mo siya dito sa office?"

He exhaled heavily.

"Umalis na."

"Kailan pa, bakit hindi ka naghanap ng kapalit?"

"Kanina lang."

"Is that so?" Bumukas ang pintuan at hinanap ng mga mata ko ang isang taong kilala ko na nagtatrabaho kay kuya.

"Where's Anya? I thought she's your secretary, why can't I find her?"

"Oh'you mean, tita. My Nanny Anya? She's my Nanny and not daddy's secretary. But she left me, she left us. Kasi ang bad ko sa kanya." Shane butt in. Naging malungkot ang mukha nito.

Naguguluhang napatingin ako kay kuya na agad namang umiwas ng tingin sa akin. Bumaba ang mga mata ko kay Shane, nahihimigan ko ang lungkot sa huling kataga na sinabi niya.

Yumuko ako,pumantay sa kanya. Ikinulong ko ang namumula niyang pisngi sa aking mga palad.

"You are not bad, baby. Don't you ever think that,okay?" Sabi ko sa masuyong tono.

"But I am!" Stubbornly, she said. "I even spill water her dress every day and I throw all my toys in the room so she could fix it up again. I also shouted at her. And then..." I hugged her tight, dahil nagsisimula na itong umiyak.

"Hush, baby. For sure tita Anya could understand you."

"I pushed her,then she fell. Then I saw her... crying. I'm bad tita...s-so bad."

Tumingin ako kay kuya. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa anak. May bahid iyong lungkot. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Anya, isa lang ang nasisiguro ko. Nagmamahal na muli si kuya, at si Shane nangungulila sa pagmamahal ng isang ina.

"Ssh, don't say that, baby. You are not bad." I wipe her tears away.

Kumalas ito sa akin at tumakbo sa ama. Kinandong ito ni kuya, pumulupot ang maliliit nitong braso sa katawan ng ama habang hinahagod ang likuran.

Ilang sandali lamang ay bumigat na ang paghinga ni Shane. Inilgay ito ni kuya sa sofa. Hinila niya ang center table palapit upang huwag malaglag ang bata sakaling gumalaw man ito.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago iniwan ng paningin ang natutulog na anak. Naka-upo ako sa harap ng working table niya. Siya naman ay nakapamulsang tumanaw sa pader na tila mayroong bagay na tinititigan doon.

"So, care to tell me what's bothering you?" Basag ko sa katahimikan.

"She left us again."

Kumunot ang noo ko. Why again? Anya is my best friend. Ang pagkakaalam ko ay boss niya si kuya. Nagtatrabaho siya dito. But what the heck, na yaya pala siya ni Shanelle at hindi secretary.

"Enlighten me kuya."

"7 years ago, may iniwang bata sa labas ng condo ko. It was Shanelle." Panimula niya.

Nahihiwagaan ako sa kanya, alam kong iniwan ng ina si Shanelle sa harap ng condo ni kuya. Pero hindi ko kilala kung sino ang babae.

"After 7 years, bumalik ang nag-iwan sa kanya. And she was no other than but Anya." Nanlaki ang mga mata ko sa pagsisiwalat niya. Nakita kong umigting ang kamao nito.

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon