Chapter 25

2.4K 136 24
                                    

It's been two days since Luigi left with Louise but it seems like it almost a decade. Wala akong nagagawang trabaho, halos araw-araw ay nasa siyodad ako. Nag-aabang sa harap ng office building ni Luigi, nagbabasakali na makita ang anak ko. Pero kahit anino niya ay hindi ko makita.

Hindi ko alam ang bahay nila, kaya matiyaga akong naghihintay sa loob ng kotse ko. Wala akong normal na tulog. Wala rin akong ganang kumain. Gustong-gusto ko nang mayakap ang anak ko.

Halos gabi-gabi akong umiiyak. Nangungulila ako sa kanya. Mas masakit pa ito kaysa sa pag-iwan ko noon kay Luigi. Dalawang miserableng araw na, dalawang araw ko nang hindi nakikita si Louise. Para akong mababaliw, natatakot akong tuluyan na nga itong ilayo sa akin ni Luigi.

Mag-gagabi na naman, pangatlong araw na bukas. Ramdam ko ang kahungkagan sa puso ko. Lulugo-lugo kong nilisan ang gusali. Wala nang mga empleyado roon dahil nagsi-uwian na. Wala akong contact ni Luigi kaya malabong mahanap ko ito. Itinabi ko ang kotse, yumuko ako sa manibela at humagulgol ng iyak. Maya-maya lamang ay pinaandar ko na rin ang kotse, tinahak ang daan na lampas dalawang oras na byahe pauwi sa bahay.

...
Sampong araw nang narito si Louise sa bahay. Ganoon na rin ako katagal hindi pumapasok sa opisina. Sinadya kong mag leave sa trabaho. Gusto kong sulitin na makasama ang anak ko. Isang linggo lamang ang paalam ko kay Vanessa ngunit umapila si mommy dahil 3 days ago nanggaling kami sa Hong Kong, ipinasyal namin nina mommy at Cassandra si Louise. Si daddy naman ay atat na atat nang umuwi para daw makita ang apo niya.

I let a heavy sigh, alam kong nag-aalala na si Vanessa. Hindi rin kami makakapag-byahe pauwi ngayon dahil may bagyo na naman. Malakas ang ulan at mahangin sa labas.

"Daddy."

Napalingon ako sa anak ko. Nakabihis pang tulog na ito, habang yakap-yakap ang manika.

Pumantay ako sa kanya. "Yes, sweetheart. May kailangan ka?"

"Namimiss ko na po si mommy, daddy." She rubbed her nose. Her eyes slowly become reddish. Alam kong pinipigilan lang nito ang umiyak.

Kinabig ko siya at hinagkan sa ulo. Her little arms embrace in my neck, dig her face on my shoulder and whimper. I gently rubbed her back to calm her.

"Ssh...babalik na tayo bukas kay mommy. Hush...Sweetheart."

"I want my mommy,daddy!"

"Yes, I know. Tahan na,okay?"

Inangat ko ang mukha niya at pinahiran ang luhaang mukha nito. Ngumiti ako sa kanya.

"For now, kailangan mo munang matulog para pag-gising mo bukas, ay uuwi tayo kay mommy,okay?"

"Promise,daddy?"

"Promise,sweetheart."

"Truly?"

"Truly."

She smiled despite of her swollen eyes. Namumula ang pisngi nito dahil sa pag-iyak. Ngumiti ako sa kanya. Binuhat ko na ito at dinala sa silid ko. Kakahiga pa lang namin ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto.

"Kuya, is she still awake?"

It was Cassandra, ang tinutukoy nito ay Louise.

"About to sleep, come in."

Pumasok nga ito sa silid. Bumangon naman si Louise sa pagkakahiga.

"Hi,sweetie. Bakit namumula ang mata mo?" Tanong ni Cassandra at bumaling sa akin.

"I miss my mommy,tita." Louise answered in a gloomy tone.

"Oh'baby, don't worry. Makakasama mo rin ulit si mommy mo, okay."

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon