Chapter 24

2.3K 138 21
                                    

Pabaling-baling ako sa kama. Hindi ako makatulog, iniisip ko si Luigi na nasa kabilang kwarto lamang. Bumaling ako sa anak ko,mahimbing na itong natutulog. Marahan akong bumaba ng kama.

Ang ikatlong palapag ay may dalawang kwarto, mayroon itong terrace na nagkokonekta sa dalawang silid. Ang yaya ni Louise ay kasamang natutulog ng dalawang helper sa shop sa ikalawang palapag.

Kinuha ko ang roba at isinuot iyon. Dahan-dahan kong binuksan ang sliding door. Sumalubong sa akin ang napaka lamig na hangin. Madilim pa rin ang kalangitan, at medyo maulan. May kadiliman sa bahagi ng terrace, umupo ako sa rocking chair. Ipinagsalikop ang braso sa aking dibdib dahil pakiramdam ko, nanunuot ang lamig sa balat ko. Balak ko lamang na magpa-antok bago pumasok.

"It's getting late and cold here, bakit ka lumabas."

Bigla akong napamulat ng mata at bahagyang napaangat ng upo nang marinig ko ang baritonong boses ni Luigi.

Ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko. Naaninag ko ito sa isang sulok. Nakatayo at mataman na pinagmamasdan ang kadiliman. Mabilis kong hinawakan ang tali ng roba ko nang biglang umihip ang malakas na hangin.

Hindi ko alam kung saan ako nanginginig; kung sa titig ba ni Luigi o sa lamig ng hangin. Alam kung nakatingin ito sa direksyon ko, medyo naaninag ko na rin ang kinaroroonan niya.

"Nag-p-papaantok l-lang ako."

Itinaas ko ang mga binti ko at niyakap iyon. Narinig kong nagpakawala ito ng malalim na paghinga.

My heart beats isn't normal at all. It seems like I'm chasing the something...maybe my breath. I saw Luigi, walking in my direction. Nahigpitan ko ang pagkakayapos sa aking tuhod.

Nakapamulsa itong umupo sa katabi kong upuan. Sa gilid ng aking mata, nakita kong naka-pajama at puting t-shirt siya. Ang lakas ng dating nito kahit sa simpleng pantulog lamang.

I'm just observing his moves for a moment. Nanatili itong walang imik maliban sa bawat paghinga niya na naririnig ko. I softly rocking myself on the chair.

Nang hindi ko matiis ang katahimikan ay huminto ako sa ginagawa hanggang sa hindi na gumalaw ang upuan. Lumunok ako kahit tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.

"I'm sorry." Basag ko sa katahimikan.

"For leaving me or for hiding my daughter?" He asked. Ngunit hindi ko matukoy kong patuya iyon o ano.

"F-for...for everything." I said stammering.

Hindi ako makatingin sa kanya. Diretso lamang ang mga mata ko sa ibaba. Nakayuko ako, ipinatong ko ang aking baba sa tuhod habang yakap ko.

Narinig ko ang marahas na pagbunga nito ng hangin. Ayokong tumingin sa kanya, marahil ay nagbabaga na ang mga mata nito sa galit.

Maya-maya'y huminahon na ito. Nakiramdam lang ako.

"Why?" Usal niya sa nanghihinang tono. Ramdam ko ang sakit at pait doon. "Why's it easy for you to leave me?"

I closed my eyes to suppress my tears from falling down. "It wasn't but...but I guessed I had to." Sinikap kong huwag pumiyok.

"Well, you did a great decision. You think so?" He mocked "O umaandar na naman ang pagiging makasarili mo nang mga panahong basta mo na lamang akong iniwan!"

Napapiksi ako sa mahina ngunit madiin niyang bigkas ng salita.

"I'm sorry... g-gulong-gulo ako noon. Kaya naisipan kong umalis." Napahikbi na ako. Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang malaglag.

"At iwan ako?" He mocked again. "Minahal mo ba talaga ako Vanessa O pinaglaruan mo lang ako?"

Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa tanong niya. God knows how much I love him! Matagal din ako naging miserable bago natanggap na wala na nga kami. Is he doubting my love for him before?

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon