Chapter 23

2.3K 138 16
                                    

ISANG linggo na buhat nang magtungo kami ni Louise sa siyodad. Sabado na naman ulit ngayon pero dito lang kami sa shop dahil marami akong kailangan asikasuhin na mga orders ng bulaklak.

"Mommy,can I go downstairs? Pwedi po akong umupo sa counter?"

Nasa harap ako ng salamin, nagsusuklay katatapos lang naming maligo at nauna ko siyang binihisan ng summer dress dahil mainit ngayon. Bitbit niya ang malaking manika na binili namin noong isang linggo.

"But promise mommy, you behave there, okay?"

Natawa ako nang itaas niya ang dalawang kamay at nag promise sign.

"Yaya, bababa si Louise. Paki-alalayan naman po." Tawag ko sa yaya niya na nasa kusina. Marahil ay nagluluto ng kakainin ni Louise. Mabilis naman itong tumalima at iginiya si Louise palabas.

Tumagal ako ng sampong minuto bago sumunod sa kanila sa ibaba. I was busy checking my emails on my phone while descending the stairs. I heard Louise shrill voice. I wonder why kung ano ang ginagawa ng anak ko sa counter kung bakit nagdadaldal ito.

Saktong nasa ibaba na ako nang hagdan nang may marinig akong boses ng lalaki. May kaboses ito pero iwinaksi ko iyon sa isipan ko. Napapikit ako nang maalala ang nangyari noong isang linggo. Bumabalik ang imahe nito sa utak ko sa tuwing mapag-isa ako.

Saktong pagbukas ko ng pintuan ay siya namang tayo ng lalaki na nakapantay kay Louise habang tumatawa. Para akong pinako sa kinatatayuan ko nang makilala ito. Hindi ko magawang maikilos ang mga paa ko. Tila huminto rin ang tibok ng puso ko. Ang lalaking laman ng isip ko pababa ng hagdan ay narito ngayon sa harapan ng anak ko.

Tulad ko ay natigilan din ito. Sari-saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ako makahapuhap ng sasabihin, biglang nanunuyo ang lalamunan ko. Gosh! Sana bumuka ang lupa at lamunin na lamang ako. Hindi ko napaghandaan ang bagay na ito. Nanatili pa rin ako sa pwesto ko, gaya niya...na nakikipagtitigan sa akin.

Ang kaninang sari-saring emosyon ng mga mata nito ngayon ay naglaho na. Napalitan iyon ng blangkong expression ng mukha. I swallowed an invisible lump in my throat. I don't know what to do or to feel... naba-blangko ang utak ko. Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo at kaming dalawa na lamang ang sentro nito.

"Mommy! You're here!"

Bumalik ang diwa ko nang biglang sumigaw si Louise. Saka lang din lamang kumurap si Luigi. Pinakawalan ko ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. Nangangatog ang tuhod ko,natatakot akong humakbang. Hindi ko kaya...hindi ko kayang humakbang dahil pakiramdam ko ay mabubuwal lamang ako.

"Mommy? Are you alright? May masakit ba sa'yo?"

Naramdaman ko ang mainit na kamay ng anak ko na humahaplos sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya ng pilit kahit ang totoo ay parang gusto nang kumawala ng luha ko.

I gently run my fingers on her cheeks. "I'm alright darling."

"Truly?" She asked with doubts.

"Truly." Muli akong ngumiti ng pilit sa kanya.

"Come, mommy. I want you to meet my new friend."

Doon lamang ulit ako napatingin kay Luigi na matamang nakatingin sa amin ni Louise. Naging malamlam na ang mga mata nito. Sadness and longing obviously seen in his deep dark brown eyes. I didn't know how much I missed him until this moment. GOD! I wanted to run right through his arms, clung to his neck and feel the warm of his body. Kung kanina ay parang tumigil ang tibok ng puso ko ngayon naman ay tila mabibingi ako sa lakas ng tibok nito.

Pilit akong hinihila ni Louise patungo sa sofa. But my knees are too weak to make a step. Bumaling ako sa dalawang katulong ko sa shop at sa yaya ni Louise.

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon