Chapter 11

2.4K 115 5
                                    

Pagkatapos manggaling sa hospital ay dumiretso kami ni Luigi sa isang sikat na restaurant,medyo nahihiya ako dahil sa suot ko kahit na hindi naman halata na pang bahay ito.

Sa totoo lang mas mukha akong model dahil sa get up ko plus the fact na suot ko pa ang mabangong jacket ni Luigi. Aw! What a lucky girl I am?

Pero natakot ako kanina sa sinabi ng doctor tungkol sa allery, maaari pa lang makapatay ito kapag kumalat na sa buong katawan. May tendency daw kasi na mahihirapan ako sa paghinga kapag hindi naagapan kaya agarang ininject-kan ako ng gamot upang mawala ito.

And thanks to God,nabasawan ang pamumula ng braso ko.

"What do you want to eat?" Tanong ni Luigi sa akin.

"Anything." Wala akong pili sa pagkain. Pero dahil my allergy ako kailangan ko daw mag-ingat sa kinakain. Ang problema wala akong alam na pagkain sa pinasukan naming resto.

"Walang anything dito, Vanessa." Pilosopong sagot ni Luigi. Lihim akong ngumuso sa kanya.

"I don't know what to eat, ikaw na ang bahalang omorder. Hindi naman ako mapili."

Ini-unat ni Luigi ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. Iginala ko naman ang mga mata sa paligid.

Napaismid ako ng makita ang mga babaeng napapatingin sa gawi namin ni Luigi.

Duh, mainggit kayo! hmp!

Narinig ko na may sinasabi si Luigi sa waiter hindi ko iyon pinakinggan. Masamang tinitigan ko ang mga babae na naroon sa loob ng resto na ang mga mata ay nakatutok sa walang muwang na si Luigi.

Natampal ko ang braso ko. Naalarma naman ang kaharap ko, mabilis na lumapit sa pwesto ko si Luigi.

"What happened? Don't scratch it,gusto mo bang magkapasa ang braso mo?" May pag-aalalang tanong niya sa akin.

"Makati."

Hinila ni Luigi ang isang upuan at tumabi sa akin. He held my arm and gently massage it. He doesn't care kung pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Makati pa?"

"Not really, ok na. Balik kana sa upuan mo." Inginuso ko ang pwesto niya.

Dumating ang order namin at nagsimula ng kumain. Wala akong paki-alam kung wala akong finesse sa pagkain. Gutom ako kaya wala akong pakialam kahit sa kaharap ko pa.

"You really hungry,don't you?"

Sandali akong tumingin kay Luigi. I smiled awkward, "Yes,"

"Ano bang kinakain mo? Puro junk foods? I saw your fridge at walang matinong pagkain doon."

Napangiwi ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya.

"I don't know how to cook that's why I didn't bother to buy raw foods."

"At sa halip puro junk foods ang ini-stock mo?"

I shrugged my shoulder while I'm busy with my food.

"You got it. "

"Ipapaalam kita sa kuya mo from now on sa akin ka titira."

"What?"

"You heard me right, don't make me repeat it again."

"But why?" I asked with confussion.

"Gusto mong mamatay sa gutom?" Luigi asked impatiently.

"But-"

"No buts Vanessa. Remember you still have to owe me."

Ibinaba ko ang kubyertos at nagpunas ng bibig.

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon