Chapter 12

2.1K 116 2
                                    

"STARTING today, you are my personal assistant. Dito ka sa loob ng opisina ko magtatrabaho."

Ini-unat ko ang mga binti at braso ko habang si Luigi ay abala sa pagsasabi kung ano ang dapat kung gawin. Well, actually I'm not listening to him. My eyes were busy too; roaming around his office. This is my second time to be here. And now, I'm here to work for him; for the exchange of his forgiveness.

Napapitlag ako ng biglang tumaas ang boses ni Luigi. Seryoso itong nakatitig sa akin,tila inaalam kung nakikinig ba ako.

"Are you listening to me, Vanessa?"

Tumayo ako, naglakad sa glass wall. Maganda pala pagmasdan mula rito ang buong siyodad. Maganda kapag mayroong teleskopyo. Lumingon ako sa lalaki na ngayon ay matalim ng nakatingin sa akin.

"Yes." I lied. He doesn't know,anyway.

"Yes?"

I rolled my eyes. Inulit lang niya ang sagot ko.

"Then, what did I say?"

Ipinamulsa ni Luigi ang dalawang kamay. Gosh! He looks so hot in that position, leaning his back on the table with his corporate attire.

Tumaas ang kabilang gilid ng labi niya. Hinihintay malamang ang sagot ko. I raised both my hands to give him a peace sign. Sa wala akong narinig,e.

"Sorry." I winced while saying.

Napa 'tsk' naman si boss ayon at umupo na sa upuan habang hinihilot ang ulo.

"Vanessa, come here."

Agad akong tumalima, mahirap na baka magalit lalo.

"Go to that table." Itinuro niya ang lamesa sa akin na nasa bandang gilid, limang hakbang mula sa kanya. "And edit this files properly."

"How?" I asked innocently. Which is wala naman talaga akong alam.

Tumayo siya at itinikod ang dalawang kamay sa mesa.

"Does not my problem. Ipinaliwanag ko sayo kanina pero hindi ka nakikinig."

Napaismid naman ako sa sinabi niya. Tss! Edi, fine! Bahala siya mamaya kapag mali-mali ang ginawa ko.

Hinablot ko sa kamay nito ang usb na hawak. Nagmartsa ako patungo sa mesang itinuro niya sa akin.

Parang tatakasan ako ng katinuan. Hindi ko alam kung anong klasing pag I-edit ang dapat kung gawin. Nakakabuang din ang laman ng files. Wala akong maintindihan, nakakatamad basahin at sobrang boring. Mabuti sana kung libro ito kaso hindi. Nakakainis, gusto kong magpadyak.

Yamot kung nilingon si Luigi. Abala ito sa kung anong binabasa.

"Luigi, hindi ko alam kung anong gagawin." Sabi ko sa nagpapaawang tinig.

"Does not my problem,not mine. Kung nakinig ka lang sana kanina, dihin sana'y alam mo ang gagawin."

Bastard! Grrr, he's not even looking at me. Ugh! Kainis,ang pangit na'to! Bahala na! Kung ano ang alam ko ay iyon na lang ang gagawin ko.

Nagrereklamo na ang tiyan ko. Nagulat ako pagtingin ko sa relo ay alas-onse Y media na. Lumingon ako kay Luigi, gaya kanina. Abala pa rin ang hudyo.

I'm hungry and I don't think so kung tama ba ang ginawa ko dito sa files na pinapa-edit niya.

I put the sling bag on my shoulder and about to leave when Luigi called me.

"Vanessa."

"What?" I asked in an irritation.

"Where do you think you're going? Sinabi ko bang lumabas ka?"

Gusto kong tadyakin ang lalaking ito. Kanina ko pa gustong makawala sa upuan. Tumayo siya at tinungo ang mesa ko.

Take MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon