Prologue

185 8 0
                                    

( Yona's POV )

RIIIIINNNNNGGGG!!! YES UWIAN NA!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


RIIIIINNNNNGGGG!!! YES UWIAN NA!

Agad kaming lumabas ng classroom.

"Yona!" Tumingin ako sa likod ko at nakita ko yung classmate ko na papalapit sa'kin.

"Ah, ano yun?" Sabi ko at huminto sa paglalakad.

"Congrats pala! Ikaw daw uli ang top 1 natin sabi nila ma'am at sir!" Sabi niya at ngumiti.

"Ah, ganun ba? Uhm, maraming salamat..." sabi ko at ngumiti.

"Sige una na ako." Sabi ko at umalis na at umuwi sa bahay. Actually, masaya talaga ako nang sinabi niya na top1 ako. Hindi nga lang halata.

Pagpasok ko sa bahay, bumungad sa'kin ang amoy ng tinapay. Agad akong pumunta sa living room, at narinig kong nag-uusap sila papa at mama. Napansin kong seryoso yung mukha nila, kaya hindi muna ako nagpakita, at nakinig na lang.

"Hon, tingin ko kailangan nating ilipat si Yona sa ibang school. I mean, matalino siya, at gusto kong maranasan niya namang makapag-aral sa magandang private school." Sabi ni papa. Wait, lilipat ako ng school?

"Hindi naman ako tutol sa gusto mong mangyari. Pero mas mabuting tanungin natin si Yona tungkol sa bagay na yan. Isa pa, saan naman tayo kukuha ng pera para sa school na sinasabi mo?" Sabi naman ni mama at humigop ng mainit na kape.

"Well, tingin ko, hindi na natin kakailanganin ang pera. May isang school daw na malapit dito. Hindi mo kailangang magbayad as long as isa kang scholar. At matalino naman ang anak natin." Sabi ni papa.

"Mukhang maganda nga ang school na yan....pero kailangan din naman malaman ni Yona ang tungkol diyan. Siya ang may karapatang mamili." Sabi naman ni mama. Nagpakita na ako sa kanila.

"Ma, Pa, lilipat po ba ako ng school?" Nagulat sila nang makita nila ako at sa sinabi ko.

"Ah, anak, nandito ka na pala. Heto, uminom ka muna ng kape at kumain ng tinapay." Sabi ni mama at umupo ako sa bakanteng upuan.

"Narinig mo ba yung pinag-usapan namin ng papa mo?" Tanong ni mama at sinagot ko naman ang tanong niya.

"Well, so, uulitin ko, gusto mo,bang lumipat ng school? I mean, hindi namin naiparanas sayo ang makapag-aral sa magandang school..so its your choice." Sabi ni papa at humigop ng kape.

Actually, gusto ko rin maranasan ang makapag-aral sa maganda at mamahaling school. Sa isang public school kasi ako nag-aaral.

"Papa, gusto kong makapag-aral sa magandang school na sinasabi mo. Pero wala akong lakas ng loob na mag-entrance exam dun. I mean, baka mas mahirap yun kaysa sa inaakala ko." Sabi ko at napayuko. Then, papa patted my back. I look at him at nakangiti siya.

"Don't worry anak. Kayang kaya mo yun! Ikaw pa! Lahat ng grades sa card mo ay nasa 90 pataas. And I mean, LAHAT!" Sabi ni papa at napangiti na rin si mama.

"Oo nga anak. Kayang kaya mo yun! Ikaw pa!" Sabi ni mama at napangiti na rin ako.

"Sige na nga! Basta suportahan niyo po ako ha!" Sabi ko and they hugged me.

"Kaya mo yan! Fighting!" Sabi nila and we laugh.

"Well, Dahil sa suportado niyo naman po ako, I guess I don't have a choice and I'll just have to do my best!" Sabi at ngumiti ng napakalaki.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Well, actually.....hindi ko inaasahan na lilipat ako ng school. I mean isang mamahalin at napakalaking school. Wait, mas mukha nga itong palasyo!

Nandito na kasi ako sa tapat ng school na sinasabi ni papa, at magte-take na ng exams.

Habang nakatingin ako sa tapat ng school at nakanganga, may isang guard na lumapit sa akin.

"Good morning miss. May I help you?" Tingnan mo! Pati pa naman guard nag-eenglish pa!

"Uhm, magte-take po ako ng exams.." sagot ko at ngumiti ng kaunti.

"Oh. Please Come in!" Masayang bati nung guard at binuksan ang napakalaking gate.

"Salamat po." Sabi ko at pumasok sa loob.

Time Skipped....

Natapos din....sana makapasa ako.' I thought habang naglalakad pauwi. Medyo mag-gagabi na ngayon. Akalain mo, umaga ako umalis ng bahay, at gabi ako makaka-uwi.

At dahil nagugutom ako, pumunta muna ako sa convenience store. Hindi ako nakakain ng tanghalian eh.

Pumasok ako at sinimulang hanapin ang masarap na pagkain na gusto ko. Well, may nakita ako at gusto kong abutin, pero hindi ko abot. Hindi naman sa maliit ako, sadyang mataas lang yun!

Sinubukan kong abutin, pero nagulat ako nang may kumuha nun. Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang isang napakagandang anghel.

"Ito oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ito oh." Sabi niya at iniabot sa akin. Wait, lalaki pala siya. At nakatingin lang ako sa kanya dahil ang ganda/gwapo niya.

"Uhm, miss? Okay ka lang?" Mahinahon ang boses niya.

"Ah! Okay lang ako. Salamat pala." Sabi ko and bowed my head at mabilis na pumunta sa counter. Parang nakakita talaga ako ng isang anghel.

Nang makauwi ako, nasa living room si mama at nanonood ng t.v. Nang makita niya ako,

"Oh, anak! Kamusta na ang exams mo? Madali ba? Nakapasa ka ba?" Tanong niya sa'kin.

"Mama, okay lang naman yung exams, pero hindi ko alam kung makakapasa ako." Sabi ko. Then, she patted my shoulders and smiled warmly.

"Think positive."

Love Never FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon