Chapter 22

19 3 0
                                    

( Yona's POV )

"So, ano na?" tanong ko kay Maxene na nakaupo sa kama ko.

"Ah! oo nga pala...." her bright face turned into serious, as she sighed.

"Naalala mo ba nung una tayong nagkita sa school? dun sa rooftop?" tanong niya at tumango ako.

"Actually, matagal na rin akong nag-aaral dun sa school na yun. Kasama ko sila Jonathan. And when I heard that dito ka na rin nag-aaral, I was overwhelmed! Napakasaya ko nun, kaya agad kitang pinatawag sa rooftop!" sabi niya habang nakangiti.

"Ganito kasi ang nangyari..." then nagsimula siyang magkwento.

"Nang ga-graduate na tayo nang grade six, may kutob na akong may masamang mangyayari sa'yo. Pero palagi mo namang sinasabing okay ka lang. Until one day, tinawagan na lang ako ni Jonathan, at sinabing nasa ospital ka. Don't get me wrong ah! Wala talaga akong alam kung bakit mo naisipang gawin yun! sinubukan ko na ring tanungin at kulitin sila Wayne, pero hindi sila nagsasalita! Kaya wala talaga akong alam!" Nang sinabi niya yun, medyo nakampante ako.

"Kung ganun, silang apat lang ang nakakaalam nang nangyari?" tanong ko at tumango naman siya.

"Ang payo ko lang sayo Yona, ay...Huwag na huwag magbabago ang tingin mo sa kanila, pagkatapos nilang sabihin yung buong storya. Malakas lang ang kutob ko na may masamang mangayayari kung sakaling mag-iba ang paningin mo sa kanila." ano? hindi ko siya maintindihan...

"Anong ibig mong sabihin?" muli kong itinanong pero ngumiti na lang siya at tumayo.

"Tingin ko kailangan ko nang umalis." sabi niya habang nakangiti pa rin.

Nang makaalis si Maxene, naisipan ko munang humiga sa kama at mag-isip. Sino kaya yung una kong kakausapin?

Teka, yung nangyari sa swing habang umuulan, tapos dumating si Joshua... I know that something like that happened in the past.

Then, kinuha ko yung necklace na napulot ko.

"I know that this belongs to one of them. And its either Jonathan or Joshua." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kwintas. Inilabas ko yung phone ko at tinawagan si Jonathan.

Time skipped...

Nandito kami ngayon ni Jonathan sa Coffee shop. Magkaharapan kami pero hindi kami nagsasalita. Actually, medyo nahihiya pa nga ako eh.

"Yona, sabihin mo na kung anong gusto mong itanong. Sasagutin ko lahat." sabi niya habang nakangiti. I sighed and look at him straight in the eyes.

"Naikwento sa akin ni Maxene, na after the day of our graduation day, doon ko daw naisipang tumalon sa tulay. Tell me, is that true?" tanong ko at tumango naman siya.

"Actually, that day is where I confessed to you." nang sinabi niya yun, nanlaki naman ang mga mata ko.

"Haha, I confessed, but you rejected me... that's why, nagulat na lang ako nung malaman kong tumalon ka sa tulay." sabi niya at bigla akong nagtaka.

"Wait, so hindi kita kasama nung araw na yun?" tanong ko.

"No. Pagkatapos kasi nating mag-usap nun, bigla ka na lang umalis. Sabi mo, may pupuntahan kang napaka-importante." Sabi niya.

"Saan naman kaya yun? ah, tell me, what time did we talk?" tanong ko ulit at nag-isip siya.

"I think that was 10 am in the morning." sagot niya.

"Then what time mo nalaman na tumalon ako sa tulay?" tanong ko ulit.

"Its about 8 pm in the evening." sabi niya at napaisip ako.

Love Never FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon