Chapter 6

31 5 1
                                    

( Yona's POV )

DING DONG!

"Yona! May bisita ka!" Sigaw ni mama at agad akong lumabas ng kwarto ko. Katatapos ko lang din kasing magbihis.

"Andiyan na po!" Sigaw ko at nakita ko si Hayden. Kasama niya rin si Dino.

"Ah! Good morning!" Bati nilang dalawa. Nagbow na lang ako at ngumiti.

"Tara!" Masayang sinabi ni Hayden at lumabas na sila ng bahay.

"Mama, aalis lang po muna ako." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Ikaw Yona ha! Ang dami mo na agad mangliligaw ah!" Pang-asar talaga 'tong si mama.

"Mama, kaibigan ko lang po sila! Huwag kayong mag-alala." Sabi ko at ngumiti ng malaki.

"Aigoo, ang bait talaga ng anak ko!" Sabi ni mama at niyakap ako.

"Oh sige! Mag-ingat ka ha!" Sabi niya at tumango ako at lumabas ng bahay.

"Yah! Bakit alam niyo kung saan ako natira?" Tanong ko kay Hayden at Dino habang naglalakad.

"Alam mo naman sigurong mayayaman kami diba?" Sagot ni Hayden at tumango na lang ako.

"Mayaman nga pala kayo...." sabi ko at tumawa si Dino.

"Nagulat talaga kami Yona! Akala namin mayaman ka rin! It means na scholar ka sa school!" Masayang sinabi ni Dino at tumango si Hayden.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko.

"ARCADE!" Sagot nilang dalawa habang nakangiti. Pero mukhang masaya dun ah! Kahit hindi pa ako nakakapunta.

Time skipped...

"Wah....ang laki.." napanganga ako nang makapasok kami sa loob ng arcade.

"Oh! Justin! Tyshawn!" Sigaw ni Dino at napatingin ako sa kanila. At nandito nga silang dalawa!

"Kanina pa ba kayo?" Tanong ni Hayden.

"Hindi naman. Kadarating lang din namin." Sagot ni Tyshawn at ngumiti. Napatingin naman din sa'kin si Justin, at biglang sumimangot.

"Bakit kasama siya?" Tanong ni Justin habang nakaturo ang kamay.

"Ah, inimbitahan ko siya!" Sabi ni Hayden at ngumiti.

"The more, the merrier!" Dagdag niya.

"Count me out." Pagsusungit ni Justin at nagsimulang umalis.

"Yah! Bakit ka ba nagagalit? Nandito nga tayo para magsaya eh!" Sabi ni Dino at tumango ang iba. Tumingin sa'kin si Justin at napabuntong hininga. Pero bago pa man siya magsalita uli,

"Uhm...sige, may kailangan pa pala akong asikasuhin." Sabi ko at balak umalis, nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Yah! Hindi mo ba narinig yung sinabi nila? Just deal with it!" Si Justin pala yun. Wala na rin akong nagawa at tumango.

"Let's go!" Sabi nila at pumunta na kami sa mga games. Ang saya pala! Lalo na't kasama ko sila! Nagtry kami ng dance machine, at ang galing talaga nila sumayaw! Lalo na si Hayden! Nagkaraoke din kami! At kung ano-ano pa! Then, nagpahinga muna kami sa isang tabi at umupo.

"Uhm, bibili lang ako ng inumin." Sabi ko and they nodded. Napagod sila at pawis na pawis kakasayaw.

Pumunta ako sa vending machine at kumuha ng 5 cola. Nang makuha ko na yung cola, nagulat ako dahil may nakabunggo ako. Okay, ilang beses na ba akong may nakabunggo? Nahulog din yung mga cola na hawak ko.

Love Never FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon