Si Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki.
Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school.
Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral.
But then, nang makapasok siya s...
'Hindi ako makapaniwala na nakatulog ako sa kotse ni Shane!!!!! Nakakahiya talaga! Naku naman! Paano ko naman siya haharapin?' I thought habang naglalakad sa hallway papunta sa classroom.
"Yona! Yah!" Nagulat ako nang may tumawag sa'kin at paglingon ko, nakita ko si Wayne Lopez. Isa sa pinakamatalino sa section namin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ah! Wayne...may problema ba?" Tanong ko at lumapit siya sa'kin. Tapos may iniabot.
"Nahulog mo yung panyo mo. Okay ka lang ba? Napansin kong parang ang lalim ng iniisip mo." Sabi niya.
"Ah, naku, okay lang ako! Pasensya na." Sabi ko at nagbow.
"Wait, inimbitahan ka na ba ni Sam?" Tanong ni Wayne.
"Ahm, oo. Kahapon niya ako inimbitahan. Bakit?" Medyo nagtataka na talaga ako kung bakit nila tinatanong yun.
"Ah, wala. Sige una na ako." Sabi niya at umalis. Ano kayang meron sa party ni Sam? I mean, tinanong din ako ni Shane tungkol dun. Aish, bahala na nga.
Nang makapasok ako sa classroom, maingay pa rin sila as usual. Tumingin ako kay Shane at nakakagulat dahil first time ko lang siyang nakitang nakatulala.
"Good morning Shane!" Bati ko pero hindi pa rin siya tumitingin. Ang lalim naman ata ng iniisip niya.
"Yona, mas maganda sigurong huwag mo muna siyang kausapin." Sabi ni Vernon na lumapit sa'kin at tumingin kay Shane.
"Uhm, may problema ba si Shane?" Bulong ko kay Vernon at medyo natawa siya.
"Matagal ko nang kasama yang si Shane. At may dahilan siya kung bakit siya ganyan." Now its getting more cunfusing.
"Ano naman ang dahilan?" Tanong ko. At talagang inaabangan ko ang magiging sagot niya.
"It only means that he likes someone." Pagkasabi ni Vernon nung mga salitang yun, nanlaki ang mga mata ko. OMO! May nagugustuhan na pala si Shane! Kyaa! I can't wait to meet her!
"Wait, Vernon. Kilala mo ba kung sino?" Medyo excited ang boses ko.
"Actually, not yet. Nung pagdating niya kasi dito kanina, agad siyang umupo sa upuan niya, tapos nakatulala, hanggang ngayon." Sabi niya. Medyo concern na ako.
Kumuha ako ng papel at ballpen, pero nahulog yung ballpen ko. I tried to reach for it, pero nauntog ako at biglang napaayos ng upo.
"Aray..." sabi ko at nakita ko na si Jonathan pala ang nakauntugan ko.
"Naku! Sorry Jonathan! Kukunin ko lang yung pen ko." Tapos ibinigay niya sa'kin yung pen habang nakangiti. Ah...that smile makes my heart beat so fast.
"Salamat." I said and look away. Namumula na yung mukha ko.
"Gusto mo siya noh..." napatingin ako sa harap at nakita si Daniel Lewis.