Chapter 5

33 5 0
                                        

( Yona's POV )

"Yona! Bilisan mo!" Sigaw ni mama mula sa baba. Nagbibihis na rin kasi ako. Nagulat ako dahil alam ni Michael kung saan ako nakatira.

"Ito na po!" Sigaw ko at bumaba ng hagdan. Nandun siya, nakaupo sa sofa namin at naghihintay.

"Oh, siya..mag-ingat kayo ha!" Masayang bati ni mama at kumaway.

"Sige po mama, mauna na po kami." Bigkas ko at umalis na kami ni Michael. At pagkalabas pa lang namin ng bahay,

"Yah! Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? At bakit pumunta ka pa sa bahay?" Sunod-sunod kong tanong.

"Yah! Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? At bakit pumunta ka pa sa bahay?" Sunod-sunod kong tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Woah! Isa isa lang! Well, hindi mo rin naman kailangang malaman. Isa pa, saktong 9 am tayo umalis ng bahay niyo." Sabi niya habang nakangiti, at naglakad na rin kami.

"Siguro iniisip mo kung bakit maliit yung bahay namin..." sabi ko at napatingin siya sa'kin.

"Yah! Paano mo nalaman?" Tanong niya at napatawa.

"Mayayaman kasi kayo eh." Bulong ko sa sarili ko. Pero mukhang narinig niya.

"Hmm...kung hindi ka mayaman, It only means na isa kang scholar.." sabi niya at napaisip.

"So..matalino ka?" Tanong niya.

"Hm, hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, isa na akong scholar ngayon." Sagot ko.

"That's nice." Sabi niya at napangiti.

"Teka...saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"Secret." Sabi niya at ngumiti ng napakalaki.

"You know, ang weird mo rin minsan." Sabi ko at napatawa.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad at pag-uusap, nakarating na rin kami sa lugar na pupuntahan.

"Coffee Shop?" Tanong ko habang nakatayo sa harapan ng shop. Nakangiti pa rin si Michael, at itinulak ako sa loob.

"Good morning! May I have your order?" Nandun kami sa counter at tinatanong kami nung babae.

"Ah...I'll have Vanilla latte. How about you?" Tanong ni Michael. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Alam niyo namang hindi ako mayaman na katulad niya.

"Uhm, tubig na lang." Sagot ko at ngumiti ng kaunti.

"Ha? Are you kidding? Uhm, miss, we'll have two Vanilla Latte." Sagot ni Michael at napatawa.

Nang ibinigay na sa'min yung inumin, kinuha iyon ni Michael at iniabot sa'kin yung isa.

"Yah! Kunin mo na! Don't worry, I already paid for it." Sabi niya at dahan dahan kong kinuha yung inumin.

"Uhm..babayaran na lang kita.." sabi ko. Then, umupo kami sa pinakasulok ng coffee shop. Then he took a sip.

 Then he took a sip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Never FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon