( Yona's POV )
"Hey, Yona! Are you okay?" Tanong ni Vernon habang nakaupo sa tabi ng upuan ko at ni Shane.
"Wait a minute...something's not right in here. I mean, kanina pa kayo tahimik at ako lang ang nagdadaldal dito.." Sabi niya at tumingin sa amin ni Shane.
"Sorry, may iniisip lang ako." Nagulat ako kasi sabay pa naming sinabi yun ni Shane.
"Aish.. Ano bang meron sa inyo? Kahapon, si Shane, tapos ngayon, nadagdag pa si Yona. Are you sure your both okay?" Nakita kong nag-aalala na talaga si Vernon.
"Don't worry, I'm okay." Napatingin kami ni Shane sa isa't isa dahil nagkasabay uli kami.
"You're really weird. But, since you both said that you're okay, I think nothing's wrong then." Sabi niya at pumunta muna sa original seat niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko rin kasi makalimutan yung sinabi ni Joshua at Wayne kahapon.
Bakit kaya ayaw nila akong pumunta sa party ni Sam? At hindi ko rin talaga alam kung pupunta ako o hindi. Sa nakikita ko kasi, mukhang mabait naman si Sam, at siya na rin daw kasi ang bahala sa susuotin ko sa party niya.
"Hey, Yona! Pupunta sa party ko diba?" Nagulat ako nang umupo si Sam sa harap ng desk ko, sa upuan ni Daniel.
"Ah...ano kasi..." Panandalian akong tumingin kay Wayne at nakita kong nakatingin siya sa'kin, kaya umiwas ako ng tingin at tumingin naman kay Joshua, na nakatingin din sa'kin. Tumingin na ako kay Sam.
"H-hindi pa kasi ako nagpapaalam sa mga magulang ko..." Sagot ko at ibinaling ang tingin.
"Ah..ganun ba? Then, ako na lang ang magpapaalam sa parents mo." He said and smiled.
"Ah! Huwag na! Okay lang! Okay lang talaga." Sabi ko.
"Basta pumunta ka ha! And like I said before, ako na ang bahala sa susuotin mo." He said and wink at me.
"Yah! Tigilan mo na nga si Yona!" Napatingin ako kay Shane. Then, pumunta na si Sam sa upuan niya at nakipag-usap sa barkada. Hindi ko alam kung bakit, pero parang galit na galit si Shane. Okay lang kaya siya?
( Shane's POV )
Nakakainis naman 'tong Sam na 'to! Kanina niya pa kasi kinukulit si Yona! Hindi ko alam kung bakit, pero naaasar talaga ako, lalo na kung paano siya makatingin kay Yona!
Nawawala na rin ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw. Parati kasing nasa isip ko si Yona. Hindi ko talaga makalimutan yung nangyari dun sa kotse. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makausap ng maayos. Hindi ako makatingin sa mga mata niya, at hindi ko man lang siya mabati ng 'good morning' tuwing umaga katulad na lang nung madalas kong ginagawa.
Aigoo....ano bang nangyayari sa'kin? Hindi naman ako ganito dati eh.
( Yona's POV )
Lunch time...
"Yah! Jinjja! Ano bang nangyayari sa inyo? Aish!" Sabi na naman ni Vernon. Hindi pa rin kasi namin ginagalaw ni Shane yung pagkain namin eh.
"Sorry...may kukunin lang pala ako sa classroom.." sabi ko at lumayo sa kanila. Kailangan ko munang mapag-isa. Gusto ko munang lutasin yung mga problema ko.
Nang makarating ako sa classroom, nagulat ako dahil may nakita akong isang tinapay at isang bote ng cola sa desk ko.
Agad akong lumapit at tiningnan kung sino yung nagbigay, pero wala namang tao sa classroom kundi ako lang.

BINABASA MO ANG
Love Never Fades
RomanceSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...