( Yona's POV )
"How do you do this?" Tanong ni Tyshawn at pinapakita sa'kin yung problem. Tinuturuan ko na rin kasi sila, and buti na lang, madali naman silang makaintindi.
"Ah, you have to use this..then do that..and then this.." I explained. Nakikinig lang naman silang dalawa at tinitignan kung paano ko ginagawa.
Then, biglang may kumatok sa kwarto. And the door open, si mama pala.
"Hello~ sorry to interrupt! Magbreak muna kayo!" Masayang sinabi ni mama at naglagay ng cookies, tinapay at juice sa table namin. We all bowed and thank her, as she went outside.
"Ang bait naman ng mama mo.." Sabi ni Tyshawn while eating a cookie, Justin also nodded.
"Ah.. Masayahin at sabik sa bisita si mama. Kaya minsan, kapag may mga classmate akong dinadala dito sa bahay, tuwang tuwa na siya..." I explained and took a sandwitch.
"In my opinion, you look really nice and innocent. And shy, perhaps? Well if that's true....siguro minsan ka lang mag-aya dito sa bahay niyo?" Tanong ni Tyshawn at napa-isip ako.
"Ahm...actually, I never invited them to my house. Kusa na lang silang pumupunta dito..." Sagot ko at napanganga si Tyshawn, while Justin, who is drinking juice, choked.
"D-don't tell me....no one ever came to your house except us?!" Tanong naman ni Justin, at mukhang nagiging open na siya sa'kin.
"I didn't really said that.. Well, on my previous school, wala talagang nakakaalam ng bahay namin...at ngayon lang talaga kami nagkaroon ng bisita." Sabi ko at natahimik silang pareho, at parang nag-iisip. And after a few minutes,
"...sandali nga... Something's not right...." Sinimulan ni Justin Ang pagsalita at napatango si Tyshawn sa kanya.
"Kung ngayon lang...then, you mean....yung mga classmates natin ang nakapunta na sa bahay mo?" Tanong ni Justin and I nodded.
".......ARE YOU SERIOUS?! ALL OF OUR CLASSMATES ARE GUYS! AND AS FAR AS I KNOW, SI BORA LANG ANG BABAENG CLASSMATE NATIN! AND I KNOW YOU'RE BOTH NOT IN GOOD TERMS! SO YOU'RE TELLING ME THAT THOSE GUYS WENT TO YOUR HOUSE!?" Napasigaw si Justin at talagang nagulat ako. Pati na rin si Tyshawn.
"D-dude..calm down! What are you mad about?" Tyshawn tried to calm him pero bigla na lang napatayo si Justin. All of us were quiet. Until Justin left."Maraming salamat Yona! Sorry rin sa nangyari! Babalik din kami bukas! Sorry talaga!" Sabi naman ni Tyshawn and chased after Justin. Nang wala na sila sa kwarto, agad akong tumayo at tumingin sa bintana.
Pareho silang pumasok sa loob ng kotse and started to go away.
Okay...what just happened?! Jinjja! (Really!) I mean, what's his problem? Did I said something to offend him? Bakit bigla siyang nagalit? Urgh...
"Yona! Anong nangyari?!" Mama suddenly opened the door as I flinched.
"Ah..mama.." Sabi ko at napayuko.
"Bakit parang bad mood yung isang lalaki?" Tanong ni mama at umupo sa dulo ng kama ko.
"Hindi ko nga po alam eh... Ang sabi ko lang naman sa kanya, walang nakakaalam ng bahay natin nung nasa previous school pa ako, and it means wala pa tayong naging bisita. At ngayon lang tayo nagkabisita." Sabi ko at nag-isip si mama.
"Ano naman yung sinabi niya?" Tanong niya.
"Sabi niya, are you serious? At napasigaw siya nun! Puro lalaki daw ang classmate namin at dalawa lang kaming babae. At alam niya raw na hindi kami close ni Bora. So it means na puro lalaki yung bumisita sa'tin. Tell me mama, may mali ba sa sinabi ko?" I explained at nagpipigil na pala ng tawa si mama. Until she laughed hard.

BINABASA MO ANG
Love Never Fades
RomanceSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...