( Yona's POV )
Sa sobrang bilis ng araw, hindi ko namalayan na Wednesday na pala ngayon.
"Yona... huhu, kailangan ko talaga ang tulong mo!" at nandito ngayon si Shane sa harap ng table ko, nakaluhod at nagmamakaawa. Nagrereview pa kasi ako, since napaaga ang pasok ko.
"Shane. Huhulaan ko. Hindi ka pa nagrereview noh?" tanong ko at inalis yung tingin sa libro.
"Paano mo nalaman? pero sigi na!!!! I really need your help!" pagmamakaawa niya. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o maawa eh. Pasensya na, nakakatawa kasi yung itsura niya eh!
Pero bago pa man ako makapagsalita, biglang nagring yung bell, meaning, we need to go back to our proper places. At saktong pumasok si ma'am sa classroom, kaya wala nang nagawa si Shane kundi umupo sa upuan niya.
Binigay na ni ma'am yung mga test papers sa amin. At nakita kong biglang napakamot sa ulo si Shane. Kawawa naman siya. And then, we started.
~°~°~°~°~°~°~
"Yona... lagot na talaga ako kay papa." sabi sa'kin ni Shane habang naglalakad kami sa corridor papuntang canteen.
"Don't worry. Its just the first subject. Magreview ka na ngayon habang may oras pa." sabi ko at umupo na sa upuan sa canteen.
"You really are a genius." sabi ni Shane. While I shook my head.
"I just love studying." Maikli kong sagot at ngumiti.
"Guys! so how's the first test?" Tumabi si Vernon sa'min na may dalang pagkain.
"I think its okay for me." sagot ko. At nagmumuk-mok na si Shane. While Vernon is laughing at him. Kailangan ko na lang makapasa.
Time skipped...
As the time goes by, uwian na agad namin. At natapos na rin ang madugong exam namin.
"Yona!" may babaeng sumigaw. Nasa loob pa rin kasi ako ng classroom at inaayos ang mga gamit. I mean, ako na lang ang natira sa loob. Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Maxene na nakangiti sa'kin.
"Maxene! anong ginagawa mo dito?" tanong ko at inilagay ang bag sa likod.
"Sabay na tayo umuwi!" that's weird. This is the first time kasi. I just nodded, not knowing what to reply. Mukha namang mabait si Maxene. At kilala na rin naman siya ni mama. And speaking of which,
"Oo nga pala. Totoo bang pinsan mo si Jonathan?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Oo naman! bakit mo natanong? why? are you curious about him?" sunod sunod na tanong niya habang nakangiti.
"Its not that. I just wanted to know." maikli kong sagot.
"Yona, can you tell me something about your elementary days?" nagulat ako nang itanong niya sa'kin yun. Napaisip naman ako.
"Let's see... of course, nag-aaral ako nun. And...that's it. That's all I remembered." sagot ko at tumingin kay Maxene. This time, hindi na siya nakangiti. She's serious. Kakaiba nga yung itsura niya kapag seryoso yung mukha niya.
"Maxene. Okay ka lang?" huminto ako sa paglakad. Nakatulala na kasi siya eh. Wait, ganyan rin ba yung itsura ko kapag natutulala ako sa classroom? I mean, palagi rin akong tinatanong nila Shane. Wah..so embarrassing!
"Yona. Did something happened when your in elementary?" seryoso yung mukha niya. This time, nakatingin na siya sa'kin nang diretso.
"Teka, why are you being serious? I told you, I don't remember." sagot ko. Then, after a few minutes of silence. Bigla na lang ngumiti si Maxene at nagsimula uling maglakad.

BINABASA MO ANG
Love Never Fades
RomanceSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...