( William's POV )
Nang matapos ang klase, nagulat ako kasi tinawag ako nila ma'am sa faculty room. Actually, I'm really happy, na nakasama ako sa achievers!
"Mr. Jacobs. I want to congratulate you. But then, pinatawag kita dito dahil meron kang dapat na gawin." sabi ni ma'am with a serious face.
"Ano po yun ma'am?" tanong ko.
"You need to keep an eye on Ms. Gonzales..don't ask why. Just do it. And report everything on me. You can go now." sabi niya. I bowed and went out of the faculty room. Bakit kaya? May nagawa kaya si Yona? at bakit ako pa?
Then suddenly, nakita ko siyang naglalakad sa hallway.
"Yona?" I called out to her. Bigla naman siyang tumalikod. Narinig niya ba ako?
"Yona! okay ka lang ba?" tanong ko at lumapit sa kanya. Para kasing may mali eh...
"Ha? oo naman! bakit mo naman natanong?" nakatalikod ka kasi sa'kin eh! Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya, at iniharap. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung itsura niya. Umiiyak pala siya!
"Hey, what happened?" mahinahon kong tanong sa kanya. Bigla na lang siyang umiyak nang napakalakas. Ang bigat pala sa pakiramdam kapag yung taong gusto mo ay ganito kung umiyak.
Niyakap ko siya and patted her back to calm down.
"Sorry...William...hindi pa ako handang sabihin sayo." mas lalo akong nacurious sa sinabi niya. Lumayo siya sa'kin.
"Pasensya ka na. Pero kailangan ko nang umalis."sabi niya at biglang tumakbo. What the...what did just happened?
Then, nakita ko si Jonathan na papalapit sa'kin habang tumatakbo.
"William! did you saw Yona?" tanong niya habang naghahabol ng hininga.
"Hey! what happened? really?" tanong ko.
"Where is she?!" napasigaw siya. Parang nag-aalala siya kay Yona. Don't tell me, siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Yona?
Nang hindi ko siya sinagot, agad siyang tumakbo. Tumakbo rin ako nang hindi nila alam na sinusundan ko sila.
Nang nasa kalagitnaan ako ng kalye, huminto muna ako at hinanap kung saan sila napunta.
Now that I think about it, alam kong mahilig si Yona sa mga park...if I'm correct?
Agad akong tumakbo papuntang park.
And I saw her on the swing. Spacing out. Nasan na si Jonathan? Bakit wala siya dito?
Hindi muna ako nagpakita kay Yona, at nagtago na lang muna.
Then, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Tinignan ko muna si Yona, pero hindi pa rin siya gumagalaw sa lugar niya! Pupunta na sana ako, nang may nakita akong lalaking nakapayong, at pinayungan si Yona. Who is he? masyado kasing malakas yung ulan kaya hindi ko makita yung mukha.
( Third Person's POV )
Pinagmamasdan lang ni William si Yona at yung lalaking nakapayong. Hindi siya gumagalaw sa pwesto niya.
Pero may isa pang lalaking nagtatago at pinagmamasdan din si Yona at ang lalaki. Nanlalaki ang mga mata niya sa mga nakikita niya.
"I'm such a fool! Bakit ko ba sinabi sa kanya yun?! If Bora just didn't treatened me!" sigaw nang binata sa sarili habang nakatitig sa dalaga.
"Sinaktan ko na naman siya..." bulong ni Jonathan sa sarili, with that regretful eyes.
"Mapupunta na naman siya kay Joshua."

BINABASA MO ANG
Love Never Fades
Lãng mạnSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...