( Yona's POV )
Sinamahan muna ako ni Wayne, papuntang coffee shop. Andun daw kasi si Joshua. At nang makarating kami doon, nakita namin si Joshua, na mag-isang nakaupo sa dulo, at nakatulala.
"Sige Yona, maiwan ko na kayo." sabi ni Wayne at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya at kumaway. Lumapit na ako kay Joshua, at nanlaki yung mga mata niya nang makita niya ako sa harapan niya.
"Yona! Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya. Umupo ako sa upuan.
"Kararating ko lang. At mukhang napakalalim ng iniisip mo ah." Sabi ko at ngumiti. He scratched the back of his neck, and chuckled.
"Medyo kinakabahan lang ako." Sabi niya at yumuko.
"Eh? Bakit ka naman kakabahan? Hindi ba dapat na ako ang kabahan?" tanong ko habang nakangiti pa rin.
"I just don't want you to hate me." Sabi niya at seryosong nakatingin sa'kin.
"Don't worry...I won't. As long as you tell me the truth." Sabi ko at naging seryoso na rin ang mukha. He sighed and started to talk.
"You want me to tell you what happen that day...right?" He asked and I nodded.
"On that day, I think it was 3:20 pm. It was raining hard. Hindi ko nga alam kung bakit, pero maaraw naman nung umuga. Para ngang may bagyo eh, sa sobrang lakas ng ulan. Natsambahan naman na nasa mall ako nun. At nang pauwi na ako, napadaan ako sa park. At doon kita nakita." Sabi niya at humigop ng kape.
"Wait, don't tell me, nakaupo ako nun sa swing?" tanong ko at nanlaki yung mga mata niya.
"Did you remembered?" parang excited siya, pero I shook my head in reply, as he sighed.
"Anyway, nang makita kita roon, nagulat ako since ikaw lang ang nandoon, at wala ka pang dalang payong. Kaya agad akong lumapit at pinayungan ka. Doon ko rin nalaman na umiiyak ka. I thought na dahil lang yun sa ulan, pero nang malapitan kita nang husto, narinig ko nang umiiyak ka pala. Hindi mo rin ako napansin nun eh. Kaya nung sinabi ko sayong 'you're going to catch a cold.', nagulat ka at tumingin na rin sa akin. That time, mas lalong lumakas ang pag-iyak mo, kaya niyakap kita. Nanginginig ka nun. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa ulan, o dahil ba yun sa pag-iyak mo." sabi niya. I knew it. So it really happened..
"Pagkatapos nun, binigay mo sa akin yung kwintas na binigay ko sayo noon. You said, 'I'm sorry', napakabigat na ng dibdib ko nun. Nang ibigay mo sa'kin yung kwintas, agad ka na ring tumakbo palayo. Hinabol kita nun, pero hindi na kita nakita dahil sa lakas ng ulan." nang sinabi niya yun, bumigat na naman ang pakiramdam ko.
"Maraming salamat Joshua... pero kailangan ko munang maalala ang lahat..." mahinahon kong sinabi at tumayo sa upuan.
"Teka, saan ka pupunta?" tanong niya.
"Magpapahangin lang." sagot ko at ngumiti, at umalis na sa shop.
Naglakad-lakad lang muna ako. At nang naisipan ko munang magpahinga, sumilong muna ako sa isang bookstore. Pero sa labas lang ako.
Papasok sana ako nang biglang may bumangga sa akin at nahulog yung mga dala niyang libro. Tinulungan ko siya, at nagulat ako dahil si Justin pala.
"Justin!" Sabi ko at ibinigay ang mga libro sa kanya. Also, bakit nga ba ang dami niyang dalang libro? Mayaman sila diba? kaya dapat marami silang libro, like Wayne.
"Bakit nga pala bumili ka ng libro?" tanong ko.
"Ah, just for entertainment. Boring kasi yung mga libro dun sa bahay." Sagot niya naman at tumingin sa'kin.

BINABASA MO ANG
Love Never Fades
RomanceSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...