( Yona's POV )
"Yona! Anak! Gumising ka! May balita kami sayo!" Narinig ko ang excited na boses ni mama habang natutulog ako. Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.
"Ano naman yun mama?" Tanong ko at umupo sa kama ko.
"Mag-ayos ka muna at dalian mo!" Sabi ni mama at lumabas ng kwarto. Its been a few weeks since I took the exams.
Nang nakapag-ayos na ako, lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa living room, at nandoon na sila mama at papa.
Iniabot nila sa akin ang isang mukhang mamahaling envelope.
"Mama, ano 'to?" Tanong ko habang tinitingnan yung envelope.
"Galing yan sa South Field Academy!" Sabi naman ni papa. At bigla na akong nakaramdam ng kaba.
"Ano pang hinihintay mo anak? Buksan mo na!" Bakit kaya excited sila mama at papa? Dahan dahan kong binuksan ang envelope at nanlaki ang mga mata ko.
"Anong nakasulat?" Tanong ni papa. Hindi pa rin ako makapagsalita.
"Mama....papa...PASADO PO AKO!" Sabi ko at tumalon talon kami sa tuwa.
RIINNG.....RINNGG...
"Mama, sasagutin ko lang po yung telepono." Sabi ko at sinagot ang telepono.
"Hello?"
"Oh, good morning, is this the Gonzales residence?" Tanong nung nasa kabilang telepono.
"Uhm, opo. Bakit po?" Sagot ko.
"Well, this is the Principal of South Field Academy. We were really impressed at the result of your exam. And I'm guessing that your applying for the scholarship, am I right? If you are, then you don't need to worry. All of your expenses at the school will be free. Including your school uniform. I'll be looking forward in seeing you at our school." Nakanganga lang ako at walang masabi. Sobra na ata ang swerteng dumarating sa'kin.
"Anak, sino yung tumawag." Tanong naman ni papa na nakangiti pa rin dahil sa envelope.
"Papa, tumawag yung Principal ng South Field Academy." Maikling sagot ko at kitang-kita ang pagkagulat nila.
"Ano raw ang sinabi?" Tanong ni mama.
"Mama, scholar na daw po ako! At libre na raw po ang lahat ng expenses ko sa school!" At sobrang tuwa namin at patalon talon kami.
"Naku! Ang galing galing talaga ng anak ko!" Sabi ni papa.
"Yah! Anak ko rin kaya yan!" Sabi ni mama at tumawa uli kami.
Makalipas ang 2 buwan...
"Mama, aalis na po ako! Pakisabi na rin po kay papa." Sabi ko kay mama.
"Oh sige. Mag-iingat ka ha. Mag-aral mabuti." Then, I started to go to my school. The South Field Academy. Excited ako dahil suot ko na ang mamahaling uniform ng SFA (South Field Academy). At excited ako sa magiging classmate ko!
Nang makarating ako sa tapat ng school, I was still in amazed on how big it is! I mean, mukha talaga siyang palasyo! Ang laki! May mga istudyante rin na pumapasok. At halatang mayayaman sila. May mga mamahaling sapatos at bag na suot. May mga nanggagaling pa nga sa isang mamahaling kotse! OMO! sobrang yaman naman nila.
Then, pumasok na ako, and tried to find my section. May nakasulat din ata dun sa envelope na ibinigay samin. Sa section 2-A ako. And so, hinanap ko na nga ang section. I even asked for someone kung saan.
At nang makita ko na, nakatayo lang ako sa harap, at huminga nang malalim. Medyo kinakabahan ako. Medyo maingay din sa loob, siguro wala pang teacher.

BINABASA MO ANG
Love Never Fades
DragosteSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...