( Yona's POV )
Nang matapos ang P.E namin, we changed to our regular uniform. And as you all know, may sariling locker ang mga babae, I mean, may sariling room ang mga babae sa pagpalit ng damit.
"Angelica! you're so awesome!" sigaw nung taga-ibang section.
"Salamat." Maikli niya sinabi. Now that I think about it, hindi rin siya ngumingiti.
"Pst, Yona! Tara na! sino bang sinisilip mo diyan?" Sabi ni Maxene. Hindi ko na siya sinagot at lumabas na kami ng room, at pumunta sa kani-kaniyang classroom. At nauna na rin sa classroom si Maxene.
Habang naglalakad ako sa hallway, nagring na yung bell. At wala ka nang makikitang istudyante. Meaning, ako na lang ang naglalakad. Take note, NAGLALAKAD. Pasensya na, wala ako sa mood para tumakbo. Since malapit na rin naman yung uwian. Napagod din ako dahil sa badminton. Suddenly, nang pababa na ako sa hagdan, hindi ko napansing basa pala yung sahig.
I slipped. Wala akong kakapitan, I just closed my eyes, waiting for the impact.
"Woah!" nagulat ako dahil may sumalo sa'kin. I opened my eyes and saw Michael.
"Yona! muntikan ka na dun ah!" sabi niya at dahan dahan akong ibinaba.
"Ha.salamat.." sabi ko at medyo hiningal. Kinabahan kaya ako dun.
"Yah, okay ka lang ba?" sabi niya habang tinitignan ako at yung itsura ko. I nodded and smiled slightly.
"Kung hindi kita nasalo, baka kung ano nang nangyari sayo." sabi niya, and pinagpagan ko na yung sarili ko.
"Salamat. Sorry talaga. Uhm, kailangan ko nang pumunta sa classroom. Ikaw din pala. Teka, saan ka ba pupunta?" tanong ko and crossed my arms.
"Uhm, clinic?" parang hindi pa siya sigurado sa sinabi niya.
"Yah! you're going to cut classes aren't you? Isang subject na lang naman ah!" sabi ko and he sighed.
"I just wanted to clear my mind." sabi niya and he turned serious.
"Gusto mo bang samahan ako?" tanong niya.
"No thanks. Kailangan kong humabol sa class." Sagot ko and started to walk. Pero bigla niya na lang akong binuhat at pumunta sa ibang direction.
"Yah! saan mo ako dadalhin? kailangan ko pang humabol sa klase!" sigaw ko.
"Hey, sa rooftop lang naman tayo pupunta." sabi niya, and nasa rooftop na agad kami. The cool breeze came to us. And I found it relaxing. Ibinaba na niya ako and we started to walk around.
Umupo siya sa gitna at inilabas ang sigarilyo. Wait, sigarilyo?! Sisindihan niya na sana yun, pero agad kong kinuha yun.
"Yah! give it back!" sigaw niya at tumayo.
"No! its bad for your health! what do you think your doing?" tanong ko at itinapon yung sigarilyo.
"Mind your own business! Matagal ko nang ginagawa yan!" sigaw niya.
"Then why did you brought me here with you?" tanong ko at nanahimik siya. He sat again and look at the sky.
"Pasensya ka na. I'm just having a headache..." mahinahon niyang sinabi. I sat beside him.
"Since I'm already here, why don't we talk about it?" tanong ko nang malumanay. It became silent. Mga ibon at ihip ng hangin lang ang naririnig namin.
"Yona. I'm sorry for everything." bulong niya at napatingin ako sa kanya.
"What do you mean? why are you sorry?" tanong ko pero yumuko lang siya. Okay. I'm really confused right now. Una, si Maxene. Ngayon, si Michael. Sino naman ang sunod?
BINABASA MO ANG
Love Never Fades
RomansaSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...
