( Yona's POV )
I'm walking outside. Sobrang bagal na nga nang lakad ko eh. Tapos hindi pa rin tumitigil yung mga luha ko. Buti na lang walang tao ngayon, at madilim.
"Yona?" Napatigil ako sa paglalakad at tumingala. Nakita ko si William. Napansin kong lumaki yung mga mata niya at lumapit sa'kin.
"Yah...okay ka lang ba? Anong nangyari?" Hindi ko siya sinagot. Patuloy pa rin yung pagpatak ng luha ko. He looks like he's panicking. At parang hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Pero he pulled me closer to him and hugged me tight. Somehow, pakiramdam ko, I feel really comfortable with him. And it made me cry all that I can. Hindi siya nagsalita. He just patted my back, and that really comforts me. After a while, we went to the park and sat on a bench.
"Uh.....maraming salamat pala William. Sorry kung naabala pa kita.." Sabi ko at yumuko.
"I'd be glad to help, but can you tell me what happened?" he asked and I look at him.
"I....I was just being emotional....but I think I'm okay now. Thank you." I said and smiled a little. His face says that he still didn't believe me.
"If you don't want to tell me, then it's fine. As long as you're okay." He said and smiled back at me.
"Oo nga pala....bakit ka nandito ngayong oras na 'to?" Tanong ko at napakamot siya sa ulo.
"Ah....pupunta sana ako sa convenience store...." sabi niya at ibinaling ang tingin.
"You're weird. Mayaman naman kayo, pero bakit kailangan niyo pang pumunta sa convenience store?" Tanong ko.
"Ah...madalas lang talaga akong pumupunta sa convenience store na yun. Just to calm my mind.." sagot niya at napayuko.
"Ah....." ayun na lang ang nasabi ko at bigla na lang tumahimik.
"...say...what are you doing on a street just by yourself, this late at night?" Siya naman ang nagtanong.
"Ah, pumunta rin ako sa convenience store......" Hindi ko na sinabi na nagkita kami ni Jonathan. Baka kung ano pa yung isipin niya.
"Anyway, ihahatid na kita sa inyo. Gabi na rin naman..." Sabi niya, at hindi pa rin tumitingin ng diretso sa'kin. Bakit ba umiiwas siya ng tingin? Bakit ayaw niya akong tignan?
Suddenly, I put both of my hands on his cheeks and made him look at me. He look shock, at parang namula yung mukha niya. Wait....masyado akong malapit sa kanya....what!! Agad kong inalis yung kamay ko sa pisngi niya at tumingin sa iba. Namumula na yung mukha ko....
"Ah.....uhm.....tara na....." Sabi ko at tumayo na sa bench. Then he just followed me. Tahimik lang kaming naglalakad. Somehow, it makes me remember, binigyan niya ako ng tinapay nun...I mean, its the same bread that I found in my table weeks ago! Siya kaya yung nagbigay sa'kin nun?
Before I knew it, nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Humarap ako sa kanya.
"Uhm, maraming salamat sa paghatid." I said and bowed. Nakita ko siyang nakatulala lang sa bahay ko.
"Uh...are you okay?" Tanong ko at tumingin siya sa'kin. Gulat pa rin yung expression niya.
"D-dito ka nakatira?" Tanong niya. Parang hindi pa siya makapaniwala na nakatira ako dito. Aish, all of them has the same expression kapag nakikita nila kung saan ako nakatira.
"Hello?....andiyan ka pa ba William?" Tanong ko and he snap out of reality.
"Sige, una na ako!" Sabi niya, parang nagmamadali.

BINABASA MO ANG
Love Never Fades
RomantikSi Yona ay isang tahimik na babae. Isang istudyante na maipagmamalaki. Ngunit, biglang naisipan ng kanyang mga magulang na lumipat ng ibang school. Isang school na puro mayayaman lang at scholars ang pwedeng mag-aral. But then, nang makapasok siya s...