FF#4- Pilipinas

135 10 10
                                    


DILAW

Isang araw, sa masikip na eskinita, sa pagitan ng dalawang pader, sinalubong ng batang si Juan ang mga pulis na hinahabol ang isang isnatser.

"A-alam ko po kung saan siya nakatira. S-sumunod po kayo sa akin," pautal-utal na sabi ni Juan.

Naglakad sila patungo sa likod ng mga abandonadong gusali. Marami itong pasikot-sikot kung kaya't nagsilbing takbuhan ng mga kriminal.

"I-iyon po, o!" Tinuro ng bata ang isang bahay na yari sa mga bulok na kahoy at pinagtagpi-tagping mga plywood.

Agad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing tahanan. Pumuwesto muna ang iba saka sinipa ng isa sa kanila, ang pinto.

Tumambad sa kanila ang isang lalaking binibilang ang mga perang nakulimbat sa pang-i-snatch. Ang ngiti sa mukha ng lalaki'y napalitan ng gulat at lungkot sa mga mata.

"Itaas mo ang mga kamay mo!" utos ng isang pulis.

"H-hindi po ako manlalaban." Sumunod ito kaagad sa sinabi ng pulis.

Tumakbo ang batang luhaan palapit dito at saka niyakap nang mahigpit.

"P-papa, sorry po." Nagsisiagusan ang luha sa mga mata ni Juan. Napapaalog ang katawan at tumutulo na ang kaniyang sipon sa kaiiyak.

"A-anak, tahan na."

"Tama ang ginawa mo. Talagang maganda ang pagpapalaki sa 'yo ng inay mo. Nakaka-proud ka!" Niyakap ng ginoo ang bata—mahigpit.

"Magpakabait ka sa nanay mo. Huwag mo siyang pababayaan. Gumawa ka ng paraan para makainom siya palagi ng gamot niya. Sabihin mo na lang sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Dalawin mo na siya sa ospital!" anito.

"Tara na! Tama na! Posasan ninyo na ito!"

PUTI

"Mga bata, 'pag hindi ninyo inayos ang pila, ititigil namin ang pamimigay. Sige kayo!"

"Ang kukulit ng mga bata, Ma'am, 'no?"

"Oo. Pero tayo ang nakatatanda, tayo ang dapat na umintindi sa kanila."

"Sige, Ma'am. Tutulong na po ako sa pamimigay ng pagkain."

"Pagbutihin nating lahat."

"Opo."

"O, ikaw bata, bakit ayaw mong pumila?"

"Inaasar po kasi nila ako roon, e. Bawal daw bakla."

"Hay, naku! Huwag mo silang intindihin. Naalala ko tuloy bigla iyong anak ko sa 'yo. Pareho kasi kayo ng kasarian. Sige na. Pumila ka na't baka maubusan ka pa!"

"Salamat po."

"Na-miss ko bigla si Mack. Sana, ang batang iyon, 'di magaya sa anak kong nagpakamatay dahil 'di na kinaya ang pangungutya sa kaniya. Madalaw nga siya sa puntod niya mamaya," bulong ng guro sa sarili.

ASUL

"Pepe, lalaban ka sa matiwasay na pamamaraan—iyong walang dugong dadanak. Paliparin mo ang ibong walang pakpak."

"Opo, inay."

Pilipino

Ipagtanggol, bayang ito

Lipulin, masasamang tao

Ipagmalaki ang lahi natin

Pagyamanin ang sa atin

Ibandera, ating sagisag

Nararapat na tayo'y magkaisa!

Ating ipaglaban

Soberanya ng bansa!

PULA

"Walang titibag sa hanay! Asintahing mabuti ang kaaway!"

"H-heneral, m-marami na pong buhay ang nawala."

"Punyeta! Magpadala ng sulat sa Maynila. Papuntahin sila rito. Ngayon mismo!"

"S-sige po."

"Huwag kayong susuko. Dumanak man ng maraming dugo!"

"Para sa bayan, mga kasama!"

"Ibigay ang lahat ng makakaya para sa inaasam na paglaya ng bansa!"

Pilipinas

Pag-asa.

Busilak na puso.

Kapayapaan.

Dugo.

Sakripisyo.

Ikaw? Kailan ka magsasakripisyo para sa Lupang Pinangako?

YSSF 2: First WaveWhere stories live. Discover now