SS #11- Adobe

75 6 1
                                    


Sa madilim na kuwarto, nakadikit ang likod ng babae sa kama, dilat ang mata at habol ang hininga; maraming katanungan ang pumasok sa isipan pero ni isa ay hindi nabigyan ng sagot. Pilit niyang inalala ang nakita. Napaisip.

Na para bang isa itong probisyon na hindi malayong mangyari.

***

"Joseina. . ." tawag ng isang tinig na para bang nasa malayong lugar. "Joseina!" pag-uulit nito na ngayo'y malakas na.

Mula sa karimlan, napabalik sa reyalidad si Joseina, dahan-dahang minumulat ang mga mata. Sa una, malabo ang mga imahe; sari-saring kulay na pabilog. Hanggang sa luminaw na ang lahat. Tumambad sa kanya ang nag-alalang mukha ng isang babae; mahaba ang kulay ginto nitong buhok na may kulot sa dulo. Nakaluhod ito habang nakapatong ang isang kamay sa balikat ni Joseina.

"Sa wakas, nagising ka na rin," mangiyak-iyak nitong wika. Nakapaskil sa mukha nito ang nakakurbang labi.

"Sino ka?" tanong ni Joseina. Na naging dahilan upang mawala ang ngiti ng babae at napalitan ng kulubot sa noo. Sa likod ng kaharap niya, nagsilingunan ang mga tao sa kanyang gawi.

"Si Lyra ito! 'Di mo ba ako naaalala?" Napatakip ng bibig ang babae nang may mabatid. "Na-nagka-amnesia ka?!"

Hindi alam ni Joseina kung paano 'yon sasagutin. Maari, maaring nakalimutan nga niya ang kanyang mga alaala. Dahil pakiramdam niya, blanko ang kanyang isipan. Pero paano?

"Dahil siguro sa bato. Natamaan ka kanina, buti na lang maliit 'yon," kuwento ni Lyra habang nakatitig sa naguguluhang mukha ni Joseina. "Malalaman mo rin kung bakit," dagdag nito bago tumayo at naglakad patungo sa mga taong nagkukumpulan.

Naiwan si Joseina na nakaupo, tulala. Dahil sa sinabi ng babae sa kanya, parang kumikirot ang kanyang ulo. Dahil siguro sa kanyang nalaman.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Nagulantang siya sa kanyang nasaksikhan, napabukas nang bahagya ang bibig. Nasa gitna sila ng daan, maraming tao ang nakasandal sa dilaw na taxi. Makikita rin malapit sa kanya ang mga katawan na nakadapa. Sa gilid ng daan, nakatayo ang mga gusaling wasak― kitang-kita ang mga basag na salamin. Matatanaw rin na may nagsisilabasang itim na usok sa bawat bintana ng mga gusali.

Delubyo. Ang unang salita na pumasok sa kanyang isipan. Sumunod ang tanong na: paano nangyari ito? Kung kanina ay kumikirot lang ang ulo ni Joseina, ngayon naman ay parang may bagay na pilit pumapasok sa bungo niya at pilit itong pinaghihiwalay. Dahil sa sakit, parang gusto niyang iuntog ang ulo sa pader na kanyang sinasandalan.

Ano ba kasi ang nangyayari sa mundo? Sino ba ang may gawa nito? Katapusan na ba talaga ng mundo?

Makulimlim ang kalangitan nang lumapit si Lyra sa kanya na may dalang pandesal at baso sa kamay. Inabot ito ni Lyra kay Joseina na agad naman nitong tinanggap. Umupo rin si Lyra at nakisandal sa kanyang tabi. Tahimik namang kumakain si Joseina na hindi man lang inaalok ang katabi. Nalaman niya na kulay kahel pala ang laman ng baso. Maasim ito nang tikman niya. Nang matapos na siyang kumain, nakaramdam pa rin siya ng gutom. Buong minuto, hindi niya kinausap si Lyra kaya ang kapal naman ng mukha niya para humingi.

"Ayos ka na?" tanong ni Lyra. Tumango lamang si Lyra habang nakatitig sa dalawang paslit na nagtatakbuhan paikot sa isang poste.

Siguro, ito na ang tamang oras para tanungin si Lyra. Para mabiyang kasagutan ang mga katanungan. Ngunit sa dami ba namang tanong na gusto kumawala ay wala ni isang salita ang lumbas sa kanyang bibig.

"Noon, masigla ang siyudad na 'to." Naisip ni Joseina na baka marunong magbasa ng isipan si Lyra. "Makukulay at maingay― maririnig mo pa ang busina ng sasakyan, ang mga ilaw na mula sa mga gusali. Nakikita mo ang building na 'yon?" Sa kanan, tinuro nito ang gusali na wasak, na kalahati na lang ang natira kaya nagmukha itong maliit. "Diyan ako nakatira, noon." Nang mabanggit ang huling salita, napayuko si Lyra.

YSSF 2: First WaveWhere stories live. Discover now