(1)

29.5K 443 41
                                    

*Author's Note: So, third time kong gagawa ng girlxgirl story. :) Salamat sa patuloy na pagsuporta at pagbabasa ng iba ko pang stories. :)

Babala lang po sa mga mangbabasa, chapter 1 agad ay may SPG na so, please. Kung di man kayo komportable sa flow ng story or the story itself, feel free to leave. :)

You can also feel free to give comments and some suggestions for my Stories. Open naman po ako doon.

Well, thanks again guys! :) Hope na makagawa pa ako ng mga stories na aabangan niyo.

JaymeeCabrera

----------

Lucas "Luke" Belmonte, 19

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucas "Luke" Belmonte, 19

LUCAS LUKE BELMONTE

Ako si Lucas "Luke" Belmonte, isa lamang akong simple pero boyish na babae. Maganda naman daw ako sabi nila, kaya lang Boyish kasi ako, ayoko ng pagirly manamit hindi kasi ako komportable sa mga ganoong damit.

Nagdecide ako ngayong araw na ito na magsuot ng Vans blue sneakers, Skinny denim Jeans at checkered lousy polo with black sando. Nagipit ako ng buhok ko pero messy bun ang style nito.

Maaga akong umalis ng bahay upang maaga din akong makapagbukas ng Laundry shop namin sa kabilang street malapit sa amin.

Pinatigil ko na kasi si Nanang sa pagtatrabaho sa Mansion nila Rizza dahil may katandaan na din ito at minsan ay sinusumpong ng sakit kapag sobra itong napapagod. Dahil sa may kalakihan ang sinasahod ni Nanang sa pagtatrabaho sa Mansion ng mga Sandoval at tumagal naman siya roon sa pagtatrabaho ay nakapagipon ng pera si Nanang. Naipaayos namin ang bahay namin at nagpundar kami ng negosyo.

Sa ngayon ay malakas naman ang hatak nito sa masa dahil maayos ang reviews ng mga customers sa amin. Isa sa mga suki ko ay si Rizza Sandoval, ang childhood best friend ko.

Minsanan na lamang siya makadalaw sa bahay dahil sa busy din siya sa school.

Mas matanda lamang ako kay Rizz ng isang taon dahil 18 na siya at ako naman ay 19. Nagpasya ako na tumigil na sa pagaaral dahil gusto kong makatulong muna sa negosyo namin. Sinasahuran naman ako nila Tatang at Nanang sa pagbabantay ko sa Shop.

Dahil sa desidido ako sa buhay ay "No time for love" ang motto ko. Kahit ni isa kasi sa mga manliligaw ko ay hindi ako mapasagot dahil wala akong oras para sa pag boboyfriend.

"Magandang umaga po! Welcome to, Bubble's Laundry shop!" masigla kong bati sa Buena manong customer ngayong araw.

Sumama ang timpla ng mukha ko ng makita ko si Rodney, ang consistent kong manliligaw.

"Hi beautiful! How's your morning?" at may bitbit pa itong Bouquet of roses. Sa katunayan ay gwapo naman si Rodney, kaso mayaman. Ayoko ng mayaman e.

A First Kiss with a Stranger (GirlxGirl) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon