-2- Cellphone

287 26 0
                                    

-2- Cellphone

I smiled when I finally reach the unit. It's 2 in the afternoon, madalas pag ganitong magkikita kami ay lagi itong maaga kumpara sa oras na napag-usapan.

Umupo  ako sa sofa at tumingala. Hindi ganon kalawak ang unit, tama lang ang luwang para sa isang tao o dalawa pero hindi pang pamilya. Ang kiroroonan ko ay hindi kalawakang living room at sa tabi nito ay counter top na naghahati sa living room at kitchen, isang kwarto rin lang iyon.

Dito kami madalas na magkita. Safe ang lugar dahil hindi kagaya ng ilang mga condo developer dito sa Manila ay nagsisimula palang ang may-ari ng condo, midrise at kung hindi ako nagkakamali ay dati itong abandunadong commercial building na binili at nirenovate ng isang condo developer. Kung ikukumpara ko ito sa pad ni Traimaine napakalaki ng pagkakaiba.

Nilapitan ko ang frame na nakapatong sa glass table kung saan naroroon ang forty inches flat screen TV. It's a picture of me and Aerin. Kinunan niya iyon sa cellphone niya nung una kaming magkita. It was the only picture we have after 19 years. The last one was taken when we were still baby, wala pa sigurong kaming isang buwan noon.

Ngumisi ako dahil wala akong makitang pagkaka-iba samin maliban sa kulay ng mga mata at buhok. My hair are close to black while hers are brown. Ang mga mata ko naman ay may pagkaberde di tulad ng kanya na brown. I think even our height is almost the same, hindi ko masabing mas matangkad siya sa akin o mas matangkad ako sa kanya.

Sa gilid ay may nakapatong na tatlong magazine at isang newspaper. Hinila ko ang newspaper, alam ko na kung ano iyon pero muli ko itong binasa. Aerin really looks like a royal princes in her long silver gown, hindi sa kanya nakatutok ang camera pero hindi maiiwasan ang mapatingin sa gawi niya. It was taken few days ago when they attended a party.

Rocco Guzon is the center of the picture. Kasama sa litratong iyon ang isang sopistikadang babae ang siyang step mother ni Aerin. Rocco looks like a hot bachelor in his black suit and body built while the woman beside him is typical type of rich woman. Mula ulo hanggang paa, nagsusumigaw ng karangyaan. 

Sinong mag-aakalang ang nakuhang babae sa likod ni Rocco ay anak pala niya? He looks much younger compare to his age. I'm sure there's a lot of women drooling to be with this man.

Hindi ko maiwasan ang ikumpara ang babaeng katabi niya sa mama ko. This woman looks expensive, nanliliit ako sa tuwing nakikita ko ito. The confidence she has is something. Kung sa pisikal na itsura siya ikukumpara kay mama ay hindi papahuli ang aking ina, pero kung sa pananamit at kompyansa sa sarili, aminado akong malayo ang pagkakaiba nila.

Binasa ko ang headline ng newspaper. His multi-national company is opening again a new property in Dubai. Hindi naka-apekto ang bankruptcy na nangyari sa ilang hawak nilang negosyo three years ago sa pangalan nila sa business industry. They are known for owning biggest malls around Asia, sabi- sabi'y may pag-aari din daw silang cruise line at casino sa Europe noon bago ang crisis na nangyari three years ago. Hindi ko pa naman kompirmado kung totoo yun dahil hindi ko sinubukang alamin.

Isa iyon na laman ng balita tatlong taon ang nakakalipas pero look at them now, parang walang nangyaring pagpagsak noon.

This billionaire beside Aerin is  praise because of his achievements in life.

I smirked.

Kahit gaano pa siya sambahin ng karamihan ay mananatili siyang mababang tao sa paningin ko.

Hindi ko kailan man kinuwesyon ang mga magulang ko sa kung anong meron ako ngayon. Wala rin akong itinatagong inggit sa kambal ko. She has everything that I don't, we were both born in a silver spoon but we were raised in two different world.

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon