Dalawang araw pa ang nakalipas nung masayang ginising ako ni Sandra, malaki ang ngiti nito at parang may balitang gustong iparating.
"Ano po ba iyon?" pupungay pungay kong sabi.
"Hulaan mo kung sino ang tumawag sa akin kanina lang" sabi nito saka humagikhik.
"Yaya, inaantok pa po ako. Pwede bang mamaya nalang yan?"
Malaki ang ngiti nitong umiling.
"Tumawag si sir Rocco! Ang daddy mo!" galak na galak nitong sabi. Bigla ay nawala ang antok ko.
"Ho?"
"Pauwi na siya Aerin! Pauwi ang daddy mo!"
Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman, wala akong maramdamang kahit konting tuwa. Una ko pang naisip ang galit, ngayon lang niya maiisipang umuwi? Mag-iisang linggo na simula nung may mangyari kay Aerin!
"Gonon po ba?" tipid kong sabi, walang reaksyon o ano. Nakatingin lang ako sa kanya.
I was about to go to bed nang may kumatok sa pinto. Tumingin ako sa wheel chair na nasa tabi ng pinto, malayo ito sa kama kaya nagmadali akong ilipat ito sa mismong tabi ng kama ko.
"Aerin, this is me. Are you still awake?"
Natigilan ako.
Si.. si Rocco?
Muli ay lumipat ako sa kama. Inayos ko ang naka-benda kong paa. Hindi parin ako nagsalita. Muli ay kumatok ito.
Kung ako lang ay hindi ko gugustuhing papasukin ito. But I need to act as Aerin and Aerin would be very happy to welcome her dad.
"The door is open"
Bumukas iyon at pumasok ang lalaking kamukhang kamukha ni Aerin. Matangkad ito at matipuno, maging ang pagtayo at paggalaw nito ay napakakisig. Hindi siya kasing puti ng inaasahan ko, he's tanned. Ang nakakagulat, hindi katulad niya ang inaasahan kong bubungad sakin! Even in person, he still looks like a bachelor who's just around early forties!
Now I understand kung bakit ganon ang reputasyon niya sa media.
Ngumiti ito pagkabukas ng pinto, pero nung tuluyan niya iyong buksan at nasilayan ang naka-benda kong paa at kamay ay nawala ang mga ngiting iyon.
"Holy.. Honey are okay?! I .. didn't know it's..- "
"I'm fine dad. It's just a simple injury" nakangiti kong sabi.
Umiling ito, lumarawan ang galit sa mukha. Umigting ang panga at saglit na hindi nagsalita.
"Amelia didn't tell me it's this bad. I'm sorry honey hindi ko alam. I've been trying to call you b... I.. I thought it was just a simple injury. I should have-" hindi ito makatingin sakin. Aligaga kung lalapitan ba ako o lalabas para harapin si Amelia!
"Dad it is! Malayo pa ito sa bituka, napilay ang kamay at paa ko, nabagok lang ang ulo ko. I almost die actually. Very minor injury right?" Hindi ko naitago ang pagiging sarkastiko sa tono.
Umawang ang mga labi nito, sinapo ang noo.
"I.... I'm ... sorry" mahina nitong sabi.
"Dad I wanna rest. I don't want to be rude but I'm tired."
Bumaba ang tingin nito, "Honey"
"Please, gusto ko na pong magpahinga"
Mahabang katahimikan ang namayani. Mayamaya ay nagsalita ito.
"O..okay, we'll talk tomorrow. But are you okay now? May masakit pa ba? Tatawagan ako ang doktor mo. Kailangan ko siyang makausap"
"Ikaw po ang bahala, pero okay na po ako"
BINABASA MO ANG
Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)
RomanceAeries and Aerin, twin sisters who were raised in two different world. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating sa punto na kailangang magpanggap si Aeries bilang si Aerin. Naniniwala siyang hindi aksidente ang nangyari sa kambal at malaki ang ko...