Kinaumagahan, sising sisi ako sa mga nasabi ko kay Levy. Hindi ko sinadya lahat ng iyon at kung pwede lang bawiin ay gagawin ko. Naalala ko nung nangako akong magiging matatag ako para sa amin. Hindi ito iyon! Dapat intindihin ko siya!Nagpapaliwanag siya kagabi pero hindi ako nakinig!
I texted him and I asked where he is, ako nalang ang pupunta sa kanya. Kung hindi sa bahay nila o sa office ay malamang nasa condo niya lang siya. Pero muli ay naiirita ako dahil hapon na ay wala parin siyang reply. Tinawagan ko na siya at sinagot naman niya iyon, again he was sorry, maaga daw siyang umalis ng bansa patungong Hong Kong. May mga urgent matters na kailangan niya bumalik doon.Kahit gaano pa ako iritado noon ay pilit ko siyang inintindi. Siguro tama si Aerin, Levy had been spoiling me too much kaya ngayon ay parehas kaming nahihirapan dahil sinanay niya akong nakukuha lagi ang gusto ko. Kaya ngayon na tumatanggi siya ay pakiramdam ko may mali na.
Nung sumunod na araw, sinundo ako ni Levy sa school. I missed him so much na hindi ko pinansin ang pagiging balisa niya. He's with me but it seems that his mind is somewhere else. Hindi naman siya ganon dati pero hindi ko inintindi iyon. Instead, mas nanging sweet at touchy pa ako sa kanya.
Habang nagdidinner ay napansin ko ang maya't mayang tawag sa cellphone niyang nakalapag sa mesa. Nakasilent iyon pero hindi maiiwasan ang mapasulyap dahil umiilaw ito kapag may tumatawag.
"Sagutin mo na" wika ko.
"We're still eating" he said.
"It's okay, baka importante"
Hindi parin niya iyon sinagot, tinapos namin ang dinner. Plano ko pa sanang sumama sa kanya sa condo pero nahiya na akong magsabi nung siya mismo ang nagsabing ihahatid na daw niya ako sa bahay at hinihintay pa siya ng mga magulang niya sa bahay nila.
The next morning, I heard from my mom about this certain restaurant in Hong Kong na nagka-food poison daw. Naabutan ko silang iyon ang topic sa breakfast pero tumahimik sila nung umupo na ako sa hapag. Hindi ako umimik dahil ako man ay napanood din iyon nung nakaraang araw, kalat iyon maging sa social media. Mahihirapan sigurong makabawi ang restaurant dahil karamihan ng nagfood poison ay mayayaman. It was a fine dining restaurant.
"May pupuntahan ka?" mom said. It's holiday at walang pasok, nakabihis kasi dahil balak kong puntahan si Levy sa office.
"I'll visit Levy"
Tumango siya "Good, bring him something. He needs your support right now. Isantabi niyo muna ang pag-aaway"
Natigilan ako. They know Levy and I are not 'okay', nag-away kami nung nakaraang gabi at sa mismong pinto iyon ng mansyon. Siguradong narinig iyon ng ilang kasambahay, naikwento siguro sa kanila.
Pero anong ibig niyang sabihin 'he needs my support?'
"Support from what? Is there something I need to know?"
Dad shifted on his seat, si mama naman ay parang walang narinig at kumuha ng pancake kahit meron na siya nun sa plato niya.
"Mama" ulit ko.
Siniko nito si dad para ito na ang sumagot.
"Your mom is talking about their envolvement on the food poison happened in Hong Kong few days ago. They are one of the suppliers so..."
Inabot ko ang tubig. Alam ko ang tungkol sa food poison dahil kalat na iyon sa international news, pero hindi ko alam na kasama ang Fuentez de Alta sa iniimbestigahan!
"That's crazy! Hindi ba at bago ipasok ang isang produkto sa isang bansa, dumadaan muna iyon sa mabusising pagsusuri? It's Hong Kong! I can't understand the envolvement of their company here. They should investigate on the preparation of the restaurant first. Bakit sa suppliers agad?"
BINABASA MO ANG
Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)
RomanceAeries and Aerin, twin sisters who were raised in two different world. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating sa punto na kailangang magpanggap si Aeries bilang si Aerin. Naniniwala siyang hindi aksidente ang nangyari sa kambal at malaki ang ko...