-3- Stepmom

238 20 0
                                    


Binuksan ni Nix ang pinto at muli akong tinulak papasok. Tumalikod siya at inayos ang kama ko. Kahit siguro anong ipasuot kay Nix ay babagay sa kanya. Medjo maluwang ang nurse uniform na suot niya ngayon pero kapansin pasin parin ang mga kurba sa katawan niya.

"Halika na" tumayo ako at umupo sa kama. Peke ang naka-sling at fractured kong paa pero totoong injured ang kamay ko.

Pagkatapos kong ipagpalit ang cellphone namin ni Aerin ay tinawagan ko si Nix. I told her my plans and I need her car. Ayaw pa nitong pumayag dahil bago ang Subaru nito na pinahiram sa kanya ni Trimaine pero wala ding nagawa dahil hawak ko na ang susi nito.

Sinadya kong ibinangga iyon. I just hope Trimaine wont kill me if he finds out.

Sinabi ko kay Nix lahat ng mga possibilities na naisip ko.

"Kung yaman ang dahilan ng lahat ng ito, unang suspect yung taong makikinabang pag nawala si Aerin. Hindi kaya ang daddy niyo ang may kagagawan?"

Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Damn, he's hot pero bakit iniwan ng mama mo noon si Rocco Gozon? Do you know why?"

Umiling ako, hindi ko alam.

"Kung titignan kasi, una itinago ni Rocco sa publiko na may anak siya. Tago ang pagkatao niyo ni Aerin. Hindi kaya ginawa niya yun para pagtakpan ang katotohanang may pamilya siya? Considering his reputation in public, hindi malayo. Pwede ring baka ayaw niya sa kambal mo at si Amelia Santillan at Maxine ang gusto nitong makasama? It's all in the news! Napakapribado niyang tao pero pagdating sa mag-inang iyon hindi? Lagi silang magkasama!"

"Pangalawa, bakit kay Aerin ang yaman ng matandang Gozon? Bakit nilagpasan si Rocco? Sa kanya dapat iyon dahil siya ang anak! Ni parte ng yaman nung matanda, walang napunta kay Rocco! Ito ang dahilan kung bakit ko tinatanong kung bakit iniwan ng mama mo si Rocco noon. Baka naman kahit sobrang guwapo at hot ng daddy niyo, eh masama naman ang ugali!"

Pumikit ako, paano niya nagagawang purihin at the same time akusahan si Rocco? At paanong parehas kami ng iniisip?

May punto si Nix pero umiling ako.

"Hindi magagawa ni Rocco iyon, I don't think a smart girl like Aerin will idolize a man like him kung masama siyang tao. Marami pang kasangkot na tao"

Hindi ko maiwasang ipagtanggol si Rocco dahil sa tuwing nagkikita kami ni Aerin, wala itong ibang bukambibig kundi ang ama nito. Kung gaano sila ka-close at paano ito magmahal bilang ama.

"Smart but innocent, right? Enough para mabilog siya ng sarili niyang ama!"

"Okay, pero iisang anggulo lang yan. We have to look at the angles and dig deeper." Muling dipensa ko.

Hindi na ito muling nagsalita.

Humiga ako sa kama, iniisip kong anong mga haharapin ko oras na bumukas iyang pinto at pumasok ang sino mang kapamilya ni Aerin.

"Magpahinga ka na, darating na sila mayamaya lang" sabi ni Nix matapos nitong ayusin lahat.

Hindi nga siya nagkamali dahil hindi nagtagal ay biglang bumukas iyong pinto. Ipinikit ko ang mga mata at nagpanggap na tulog.

"Oh God! Aerin hija!" naramdaman ko ang magagaan nitong haplos at magaan ding yakap. Hindi nagtagal ay ang basa at mainit nitong pisngi.

She's crying, who is she?

"A..anong anong nangyari sa kanya?!  Miss!"

"Ma'am sa ngayon, mabuti na po ang kalagayan ng pasyente. Nagkaroon po siya ang multiple fracture sa kamay, ulo at paa. Tawagin ko nalang po si Doc para siya na ang magpaliwanag sa iba pang ditalye" dinig kong sabi ni Nix.

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon