Pagkauwi ay dumiretso ako ng kwarto, my phone keep on ringing but when I saw Nix's number, hinayaan ko lang tumunog iyon. Pumasok ako ng banyo para makaligo at mahimasmasan. Habang umaagos ang tubig sa aking katawan ay naalala ko ang mga nangyari hindi lang sa araw na ito maging ang mga nakaraang araw. I was so careless. Hindi na ako magtataka kung ngayon ay pinaghihinalahan na ako ng mga kasama ko dito sa bahay. Kung sa skwelahan nga ay alam na ni Levy kung sino ako, paano pa kaya dito.At si Nix, hindi ako makapaniwa na nagawa niya sa akin iyon!
I know she has her reasons, at hindi naman niya ako ipapahamak. Pero hindi ko lang matanggap na nagdesisyon siya na hindi ko nalalaman. Naglihim pa siya sa akin! She could have just told me, Levy already know!
Ngayon ay gusto ko nang sabunutan ang sarili sa mga nagawa ko nitong mga nakaraang araw. Kung hindi pa ako sinundan ni Nix kanina sa CR ay malamang hindi ko malalaman na alam na ni Levy, at hindi rin ako magigising sa kahibangan ko. I might still be holding a bottle of alcohol now, tuluyang sinisira lahat ng pinaghirapan ko.
Lumabas na ako ng banyo, habang sinusuklay ko ang buhok sa harapan ng salamin inikot ko ang paningin sa kwarto para hanapin kung saan ko nailapag ang lagayan ng contact lense ko.
Pagkaharap sa salamin ay kitang kita ko ang ngisi ng babae sa likod ko. Nanlamig ako sa gulat. Gayon pa man ay nanatili akong nakatayo at sinalubong ang mga mata nito.
Sumunod na lumabas mula sa walk-in closet si Sandra. Nanlaki ang mga mata nito nung makita ako.
Huli na para itago ko ang ngayon ay nakita na nila.
Ngumisi si Maxine habang si Sandra ay gulat na gulat at itinutok sakin ang hawak na walis.
"Sino ka! Hindi ikaw si Aerin!" Sigaw nito.
"Impostor!" Segunda naman ni Maxine. Bilog na bilog ang mga mata nito habang hawak ang lalagyanan ng contact lense ko.
Hula ko ay kanina pa sila sa closet at talagang inabangan ang pag-uwi ko. Malamang ay naghintay sila doon at minamanmanan ako hanggang sa wakas ay maaktuhan ang gusto nilang makita. And here it is, they saw me without my contact lenses!
"Alam ko na eh, may hinala na ako! Hindi ko lang akalain!" Sigaw ni Sandra na hindi maitago ang takot sa boses.
Pumikit ako. Umaasang pakikinggan niya.
"Sandra" mahina kong sabi.
"Huwag mo akong kausapin! Hindi kita kilala!" Putol nito sakin.
"Who are you?! You impostor!" Sigaw ni Maxine!
"Mom! Mom!" Nasisigaw ito.
Wala akong nagawa kundi hintayin na dumating si Amelia.
"See? Huling huli ko siya mom! She's an impostor! She's not Aerin! " Tili nito.
"Oh my! Holly! Who are you?!" Gulat na sigaw din ni Amelia.
Inabot sa kanya ni Maxine ang contact lense ko.
"Here, eto ang ginagamit niya para takpan ang mga mata niya! I saw her! Tinanggal niya ang contact lense niya at iyan, lumantad and totoo niyang kulay! An impostor!"
"Police, tumawag kayo ng police!" Utos ni Amelia sa mga kasambahay na ngayon ay nagsipasok na din sa kwarto.
Wala akong nagawa, gulat na gulat din ako sa bilis ng mga pangyayari na hindi manlang ako lumaban! I'm only wearing a robe at baka mahubaran ako kung lalaban pa ako! Kinaladkad ako ni Amelia palabas ng kwarto hanggang sa hagdan!
"Bitawan mo ako!" Sa wakas ay sabi ko.
"Huh! May gana ka pang lumaban? Ikaw na impostor ka? Ipapakulong kita!" Duro nito sakin at muling sinunggabang ang aking buhok!
BINABASA MO ANG
Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)
RomanceAeries and Aerin, twin sisters who were raised in two different world. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating sa punto na kailangang magpanggap si Aeries bilang si Aerin. Naniniwala siyang hindi aksidente ang nangyari sa kambal at malaki ang ko...