-7- Step Sister

229 22 0
                                    


"Nix panong hindi natin to nalaman?! Gusto ko nang umatras!" Kontrol ko sa boses ko para hindi ako marinig ng ibang tao.

Nasa kwarto ako ngayon at kausap si Nix sa telepono. Nanginginig ang mga kamay ko! Hindi ko alam ang gagawin!

"Hindi ko din alam! If I know, tingin mo hahayan kitang ituloy ang plano mo?!" she said.

Huminga ako ng malalim.

I need to think!

"Ano? Si Trimaine kausapin mo! Bakit paanong ganito? He's best bud with Will! Isa pa ang lalaking iyan, hindi manlang binanggit na nakabalik na ang pinsan niya?! Paanong hindi natin alam ang koneksyon niya kay Maxine?! And we're just in same circle of friends!"

Si Levy, matalik na kaibigan nina Trimaine, Will and Levy are cousins, and Trimaine's bedmate is my bestfriend Nix! Ang alam ko ay nasa States ang lalaking iyon, paanong andito siya?! Kung alam ko lang na siya ang pinangangalandakang boyfriend ni Maxine!

That bastard is my fucking ex-boyfriend! Kilala niya ako, bilang ako! Hindi bilang si Aerin!

He doesn't even know I have  a twin!

Damn it!

Ano nalang ang iniisip nun nung nakita ako kanina?! He will ruin everything!

"Relax Aerin, itatanong ko kay Trimaine kung kailan pa siya nakabalik okay? Kung siya ang boyfriend ng bitch mong step sister, malaki ang posibilidad na. matagal na silang nagkita ng kakambal mo. Usap-usapan few months ago ang bagong boyfriend ni Maxine na siyang nagpatino dito. Tingin mo sa haba ng mga panahong iyon, hindi pa niya nakikita ang kakambal mo bilang si Aerin?"

She has a point, but still!

Excited kanina si Sandra nung sinabi niyang andito ang boyfriend ni Maxine, ibig sabihin ngayon palang sila magkikita!

Who knows right? Itinago si Aerin, sa sobrang pagka-introvert ng babaeng iyon malaki ang chance na hindi pa sila nagkikita ni Levy! Kasi kung nagkita na sila, malamang ay lalapitan siya ni Levy dahil aakalin niya na ako si Aerin. Kung hindi man ay magtatanong ito kung may kakambal ba si Aerin, for sure sasabihin din iyan sakin ni Aerin!

Pero wala! Wala manlang nabanggit sakin si Aerin tungkol kay Levy! Yung pagkikita namin kanina, baka iyon ang unang makita niya ang step sister ng kanyang girlfriend!

"Nix, paano kung ngayon lang sila magkikita?" malumanay kong sabi, nawawalan ng kompyansa.

"Edi pagbutihin mo nalang yang pagpapanggap mo, hindi ka naman niya makokompronta kung alam niyang ibang tao ka. Yang bitch mong step sister na mismo ang magpapatunay na ibang tao ka. I'm sure Aerin has childhood pictures that can prove she realy exist! Mahirap pero maniniwala din yan kasi totoo namang may Aerin Gozon! Bakit, ano bang reaction niya nung nagkita kayo kanina?"

"You don't get it, kahit mapaniwala ko siyang ibang tao ako, magkakaroon ng idea ang kampon ni Amelia na may kambal si Aerin! Siguradong babanggitin niya na may kamukhang kamukha ako! Hahanapit nila ako! My plans will explode in no time!"

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Bakit kailangang maging ganito kahirap?

"Kung ganon ngayon palang kailangan mo siyang kausapin. I know how much you hate him but you have to talk to him. Siguradong ngayon ay may mga hinala na iyon. Kausapin mo na siya habang maaga pa. Kung kakausapin mo siya at aamin ka sa kanya, I'm sure he will understand. We both know Levy." she said.

Ngumisi ako.

Not again.

"To hell with him Nix. You're asking me to trust the man I used trust years ago? Mas gugustuhin ko pang tuluyang masira ang plano ko kesa pagkatiwalaan siyang muli." sagot ko na nagpatahimik dito.

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon