-10- Saviour

221 25 0
                                    


Para maging kapanipaniwala ang ginawa kong rason kanina sa breakfast at sinabi ko sa driver na dumaan muna kami sa isang bookstore. Hindi pa bukas ang malalaking bookstore sa mall kaya sa isang maliit na store lang kami huminto. Sa tabi lang iyon ng kalsada at maraming tao sa labas, magulo at maingay.

Pinagtitinginan kami, agaw atensyon din ang dalawang itim na Medcedes-Benz na pumarada sa tabi ng store.

"Miss, i-utos niyo nalang po sa bodyguard. Marami kasing tao sa labas, hindi po safe baka may snatcher pa jan"  wika ng driver.

Tumango ako. Lumingon ako,  dalawa sa body guard ko mula sa sumusunod na sasakyan ang lumabas doon. Naglakad palapit sakin. Ibinaba ko ang bintana para kausapin sila.

"Uhm, I need those items. Here's the cash" abot ko sa maliit na papel kung saan ko isinulat ang mga gamit na sa tingin ko'y kakailanganin ko,  kasama nun ang perang pambili. Inabot iyon ng isa saka mabilis na tinungo ang bookstore samantalang naiwan ang isa sa labas ng kotse.

"Close the door Ms. it's not safe here" paalala nito.

Nag-iwas ako ng tingin mula sa mga taong pinagtitinginan ako. 

It felt weird knowing I always pass by this street  few months ago, ni minsan hindi ko naramdaman ang ganitong pakiramdam. Parang hindi ako nababagay sa lugar na ito samantalagang palagi ako dito noon.

Maging ang mga nagtitinda sa tabi ay namumukhaan ko!

Mabilis na nakabalik yung isa sa mga bodyguard na bumili. He handed me the change but I refuse. Bagkos ay kumuha pa ako ng limang daan sa wallet at inabot iyon sa kanya.

"Pakibigay nalang po doon sa matandang nagbebenta ng candy" tukoy ko sa matandang may kasamang dalawang bata, mga apo ata niya. Araw-araw noon ay nakikita ko yung matandang nagtutulak ng kariton para sa kalakal. Minsan kagaya ngayon kung hindi ito nangangalakal ay namamataan ko siyang nagbebenta ng candy o di kaya ay basahan.  Masyado na siyang matanda para magtrabaho kaya inaabutan ko kung may hawak ako.

Tumango guard, sinunod ang utos ko.

Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko nung makita ang pagkabigla at tuwa nung matanda. Bumaling ito sakin, nanlaki ang mga mata, ngumiti ako at isinara ang bintana. Bumalik na din ang mga body guard sa sasakyang nasa likod.

Habang naglalakad sa hallway ng school ay nagulat ako nung hilahin ako ni Nix papasok ng CR! Inisa-isa nito ang mga cubicle at nung masigurong walang tao ay isinara nito ang pinto para walang makapasok.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Binalingan ako nito sa salamin.

"You're being careless! Nakita ka ni Will na umiiyak? Nakwento niya kanina sa cafeteria!"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Aeries alam kong napakahirap ng sitwasyon mo ngayon. Pero kung hindi mo na kaya, pwede namang ihinto na natin ito. Sabihin na natin kay tita Adel ang totoo!"

Umiling ako, hindi makapagsalita.

"Aries" bigkas nito.

Tinitigan niya ako, umiling pero lumapit at niyakap ako.

"Andito lang ako para sayo. Sabihin mo kung anong maitutulong ko" she said.

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon