-22- Stop

232 26 0
                                    

"Hindi ako makapaniwala"

Hanggang ngayon hindi ko siya matingnan. Naiinis ako na hindi ko alam. Inirapan ko siya pero ngisi lang ang isinukli nito.

Kung andito lang siya ay kanina ko pa siya binato, pero mukha lang niya sa screen ng laptop ang nakikita ko.

"Ang sabi mo internship lang. Ngayon pati MBA mo?"

"Sorry na, hindi ko pa sinabi sayo kasi hindi pa naman ako sigurado. One more thing, kailangang may tumingin sa mga shipment dito. Dad will be busy dahil sa mga chemo ni mom"

I pouted, buti pa siya ang bilis niyang naka-adop. 'Dad' na ang tawag niya kay Rocco na parang antagal na niyang tinatawag na ganon si Rocco. Kung sabagay, sila sila ang palaging magkakasama. Mag-aapat na buwan na ata sila mama at Rocco sa US para sa pagpapagamot ni mama.

"Iyan ba talaga ang dahilan? O iniiwasan mo lang siya?" duda kong sabi.

Natawa ito saka umiling.

"Sinabi ko naman sayo diba? Wala sa akin iyon, may mga importante pa akong bagay na dapat pagtuonan ng pansin kesa ang isipin ang lalaki" tumawa pa ito.

"Kagaya ng pagtatrabaho? Bakit bigla nalang sobra naman yang pagseseryoso mo sa trabaho?"

Tinaasan lamang niya ako ng kilay. "When you're about to graduate you will understand. And I have to do this, this is the only thing I can to do for our family. Baka maluhi ang kompanya, that's the last thing I want to happen"

Ngumuso lamang ako sa biro niya, alam ko naman kasing dahil sa utang na loob ang dahilan niya. Ayaw kong pag-usapan iyon kaya hindi na ako nagkomento.

"Hey I heard you're being mean to Trimaine and his girl" pag bago niya ng topic.

"Huwag mong sabihing pati ikaw, pagsasabihan ako tungkol jan?" tinaasan ko siya ng kilay. Sinong nagsabi sa kanya, si Aerin? Si Trimaine? O si Levy?

"Alam ko namang pakiramdam mo, tatraydorin mo ako kapag naging mabuti ka sa kanila" 

Hindi ako umimik.

She sigh, "Look, I want you to understand na ako ang lumayo sa kanya Aeries"

"Alam ko, ginawa mo lang naman iyon dahil sa Georginang iyon. Okay naman kayo nung wala pa siya ah, bakit nung dumating yung babaeng iyon bigla nalang nagbago si Trimaine? He's really an ass"

"Ano pala ang gusto mo? Na kami ni Trimaine hanggang sa huli? Oo, tama ka naman na iniwasan ko si Trimaine dahil dumating si Georgina. Dahil iyon alam ko na may papalit na sa akin. I know it's my fault why you're acting like this so I want you to understand."

Humugot muna ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy.

"May dahilan ako kung bakit ako pumayag na ganon ang set-up namin ni Trimaine. Nakita mo naman siya noon hindi ba? Gabi gabi siya sa bar, palaging nasasangkot sa mga gulo, hindi pumapasok sa school. Nakita ko ang galit niya at awang-awa ako sa kanya Aeries. Kaya nung nagpakita ito ng interes sa akin, ginamit ko iyon para tulungan siya. I just wanted to help him. I have the control on him, so I used it for his own good. You saw him years ago diba? He will not be the man he is right now if I didn't do what I did. I love him but not romantically, I love him as a friend who I know who needs me that time. Ngayon anjan na si Georgina, alam kong dumating na ang taong para sa kanya kaya lumayo na ako. Ito na ang pagkakataon para lumayo ako sa kanya."

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi na ako nagsalita dahil hindi ako makapaniwala  sa mga sinasabi niya.

"Pero Nix may mga ginagawa kayo na ginagawa lang kapag mahal mo ang isang tao. You let him use you!"

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon