"Was there really a food poison? O ginagamit niya lang iyan para gipitin ka Levy?" tanong ko.Nakalabas na kami ngayon sa Campden. Madilim na at nakaramdam ako ng gutom kaya inaya ko siyang kumain.
He nodded. "Yes, but I'm confident on our products so don't worry"
Ngumuso ako. I like his confidence, na kaya niyang harapin ang taong minsang nanamantala sa kanya. Maybe acceptance is really the key? Para makamove-on kailangan lang tanggapin iyon.
"At ang kapal ng mukha niyang magpakita pa sayo? I even saw her holding your arm! That cougar! Karma lang niya yung nangyari kaya dapat lang sa kanya iyon! Dapat hindi na rin makabangon ang negosyo niya nang maghirap na siya!"
Ngumisi si Levy sa tinuran ko. I really don't get it bakit parang wala manlang siyang galit sa matandang iyon!
"May mga naospital Aeries, hindi ka dapat natutuwa sa nangyari" komento niya.
"Hindi ako natutuwa na may mga naospital! Siguro dapat lang na mangyari yun para tuluyan na siyang hindi makabangon! Hindi ko lang maisip na naka-ilan na pala sayo yung babaeng iyon samantalang ilang beses mo na akong tinanggihan?! I'm your girlfriend I should be the-"
"Shhhhh!" pigil niya na may ngisi sa mga labi! He reached for my hand and caressed it to calm me.
Naalala ko na naman yung ilang beses na nagpupunta kami sa condo niya at handa na akong gawin namin iyon. I missed him so much pero hanggang MOMOL lang ang napapala ko! Tapos ngayon malalaman ko iyong matandang iyon naka-ilan na pala?!
Animal!
After the investigation, malinis ang pangalan ng Fuentez De Alta. It turns out that the food poisoning came from supply of meat, hindi pa tapos ang pag-iimbestiga sa iba ibang suppliers ay matunog na na sa supply ng meat ang problema. Isang linggo din ang nakalipas nang makumpirma na sa meat supply nga ang pinagmulan ng food poisoning.
Matunog ang nangyaring imbestigasyon dahil na rin kilala ang supplier na iyon. Minsan ko na ding nakaharap si Mrs. Choi at talagang makapal ata ang mukha dahil kung umakto ay parang walang ginawang kababoyan noon. She still has that face to show us!
Kung may ipagpapasalamat lang ako ay dahil nagawa ni Levy na lagpasan ang pagsubok na iyon sa buhay niya. Yung mga iba'y nababaliw pa, good thing he's strong enough.
One day ang epal na si Maxine, dinalaw si dad sa mansyon. She was waiting at the patio when I saw her. Tumaas ang kilay nito nung makita ako.
"Still asking support from my dad? Kapalan nalang ng mukha?" wika ko.
Taas noo parin niya akong tinitigan. Binaliwala ang mga sinabi ko. Inikot niya ang paningin sa loob ng bahay.
"Everything is so nuvo. Mahirap naman kasi talaga kapag biglang yaman. You gonna force yourself to be accepted. Ang labas, nagmumukhang cheap ang mansyon dahil sa mga nakatira. That's hard" she commented.
Nagngitngit ang mga ngipin ko sa narinig. Everything that's inside of this mansion was personally picked by lola, dad's mother. The one who really belong from the ellite!
Hindi talaga niya alam ang tungkol sa mansyong ito? How pathetic!
Sarkastiko akong tumawa.
"Oh, just like how you force yourself to be accepted by this family? That's hard, 'cause you'll never be Gozon Maxine." balik ko.
BINABASA MO ANG
Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)
RomanceAeries and Aerin, twin sisters who were raised in two different world. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating sa punto na kailangang magpanggap si Aeries bilang si Aerin. Naniniwala siyang hindi aksidente ang nangyari sa kambal at malaki ang ko...