-20- Little Girl

217 23 0
                                    

Buong gabi ay hindi ako natulog, naghihintay sa update. Sa mahaba at tahimik na gabing iyon, nilapitan ko Siya, sabi ni mama sa mga oras na ganito Siya lang daw ang tanging makakatulong satin.

That night I realized how can I asked Him something when in fact I'm not even a good person? Punong puno ako ng  galit at hinanakit, hindi ako marunong magpatawad. My mama is always praying for me pero bakit Niya ako pinabayaan? So for years, isinantabi ko siya.

Like a little kid, I asked for His forgiveness. Forgive me for hating Him because I though He forgotten me. Now I realize maybe He let me saw that dark side of the world to prepare me for a bigger world, to make me stronger. Look what I am now right?

I promised Him I will be a better person, pero sana nakikiusap ako sa kanya, ilayo niya sa kapahamakan si Nix at si Rocco. I promised Him I will learn how to forgive all the people who've done wrong to me. Hindi na ako manlalamang ng ibang tao. Hindi na ako uulit sa mga ginagawa namin nina Nix para magkapera. At higit sa lahat, I will never turn my back on Him. Kahit anong dagok pa ang dumating sa buhay ko, hindi mababawasan nun ang pananalig ko sa kanya.

***

The next morning, tinupad nga ni Rocco ang pangako niya. Umuwi ng umaga kasama si Nix.

It was an emotional morning. Isa ata iyon sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Wala na akong ibang hihilingin pa.

To my surprise si Rocco mismo ang naghikayat kay Nix na sa mansyon na tumira. Ayaw pa noon ni Nix pero dahil hindi rin ako mapapanatag ay pinilit ko din siya.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Basta isang araw nagdesisyon sina mama at si Rocco na ampunin si Nix para maging ganap nang Gozon. That way they can protect her. Buburahin ang kahit na anong kokonekta sa nakaraan niya, hindi na siya ang Nix na lumaki sa ampunan at ang Nix na naging escort. They will create a new identity para matulungan siyang burahin ang nakaraan niya. Natalia Alexa Gozon, that's her name now, she is now a Gozon.

Hindi na din bumalik ng school si Nix, kinompleto lang nito ang binigay na modules ng kanya ng mga instructor para matapos niya ang semester. Dalawang buwan ang lumipas ay tumungo ito ng Seattle para sa internship. Akala ko internship lang, pero narinig ko mula kay Aerin na doon na din daw niya kukunin ang MBA.

I felt betrayed na hindi niya iyon sinabi sa akin pero sinabi niya sa kambal ko. But it's okay, I understand.  Gustuhin ko mang mag komento kung bakit kailangang sa US pa pero inintindi ko nalang dahil alam kong may iniiwasan ito.

Kami naman ni Aerin ay sabay na nag-enrol sa Campden sa sumunod na semester. Maraming nagulat nung malamang may kambal si Aerin, napaka-awkward na ituring akong transfery ng mga dati ko nang kaklase. May mga lalapit sa akin at magpapakilala, sasabihing classmates daw sila last sem ni Aerin at naging magkaibigan samantalang ni hindi ko nga matandaan kung kelan ko iyon huling kinausap nung nagpapanggap pa ako.

Ang nakakagulat ay ang makita si Maxine na nagtransfer din sa Campden! Ang babaeng iyon nagpaawa kay Rocco para hindi kasama ng ina niya sa pagbagsak. It annoys me and Aerin so much, lalo pa at parang sinasadya ni Maxine na mang-inis oras-oras.  Hindi na ako magugulat kung isang araw ay kasama na din namin siya sa mansyon, ni hindi pa nga napuputol ang allowance niya galing kay Rocco. She moved out from the other mansion but Rocco bought her a new condo near Campden. How lucky!

Sina mama at Rocco naman ay nagbalikan. Akala namin nung una, nagbalikan sila para mabuo kaming pamilya. Napaka- civil ng turing ni mama kay Rocco samantalang si Rocco naman ay muling niligawan si mama. Hindi na din ako komontra dahil nakikita ko ang kakaibang sigla ni mama simula nung lumipat kami ng mansyon. Medjo nagkalaman na ito at unti-unting bumabalik ang dating pangangatawan.

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon