The next day nagkita kami ni Nix sa isang coffee shop. May mga natuklasan daw ito na maaring makatulong sa pag-iimbestiga namin.
"Here" nilahad niya ang isang itim na folder.
Binuklat ko iyon, tumambad sa akin ang mga litrato ng pamilya Gozon.
"Look at this" itinuro niya ang blankong pangalan sa banda ng mga pinsan ni Rocco.
"Lahat ng pangalan jan ay wala na maliban sa daddy mo, sa lolo mo, si Aerine, ikaw, ang mama mo at ang tita mo. May mga malalapit pa kayong kamag-anak pero lahat ay stable na sa ibang bansa, may kanya kanyang ari-arian. Kayong pito lamang ang andito sa Pilipinas. Napag-alaman ko na itong si Amelia at itong si Jasmine ay malapit na magkaibigan."
"Sinasabi mo bang may kinalaman din si tita Jasmine dito?"
Umiling si Maxine.
"Sinasabi ko na may posibilidad Aeries. Lalo pa at nalaman kong ampon lang itong sa tita Jasmine mo. She has siblings pero lahat sila may kanya kanyang negosyo at buhay sa ibang bansa, siya lang ang naiwan dito sa Pilipinas."
"Pero nagkita kami noon sa mansyon. Oo at isa siya sa mga kaibigan ni Amelia pero hindi ibig sabihin na kasabwat siya nito. She was so kind and she's my mother's bestfriend!"
Nanlaki ang mga mata nito, umiling "Hindi Aeries, galing ako kahapon sa ospital! Dumaan lang ako para kamustahin ang mama mo, pero sabi ng nurse lumabas daw si tita Adele. Pabalik na ako ng skwelahan kahapon nang makita ko si tita sa isang cafe, may kausap! Huminto ako para lapitan sana si tita pero nagulat nalang ako nung galit na tumayo si tita Adele at itinapon jan sa tita Jasmine mo ang isang sobre. Nagkalat ang laman nun, pera! She was so mad at sinigawan yang si Jasmine na hindi niya kailangan ng pera para manahimik! Iyon ang eksaktong sinabi niya! Hindi ko narinig ang pinagtatalunan nila pero base sa nakita at narinig ko ay parang binabayaran niyang Jasmine na iyan si tita para manahimik! Can a friend do that?!"
Sa gulat ay hindi ako naka-imik. Naalala ko ang sinabi noon ni tita Jasmine na itinago ni Rocco si Aerine mula sa kanya. Hindi kaya ito iyon?
"Tinanong mo ba si mama? Anong sinabi niya? Binabayaran para saan?"
Umiling ito.
"Mabilis ko silang nilapitan. Inalalayan ko si tita para kumalma, halos himatayin na siya sa galit. Sinubukan kong tanungin kung sino iyong babaeng kaaway niya pero hindi niya ako sinagot. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya kung ipipilit ko pa ang mga katanungan ko kaya hindi na ako nagtanong. Sinamahan ko nalang siya pabalik ng ospital"
Hinilot ko ang sentido.
Kung tama ang hinuha ni Nix kay tita Jasmine na binabayaran nito si mama para manahimik, manahimik saan? At kung kaibigan nga niya si mama, dapat alam na niya na hindi niya madadaan si mama sa pera. I grew up looking up to my mother because of her principles. Hinding hindi siya tatanggap ng perang madalian, kahit ano pa man ang kondisyon ni tita Jasmine.
Lunes, sa tulong ni Nix ay pumuslit ako para makadalaw ng ospital. I still have two subjects remaining but decided to absent. Sapat na iyon para akalain ng mga body guards ko na nasa klase ako.
Halos pigilin ko ang hininga nung madatnan ang inang hinang hina na naglalakad sa hallway ng ospital. Tahimik at palihim ko lang siyang sinusundan. Galing ito sa kwarto ni Aerin at wala sa sariling nagpunta sa chapel. She prayed and cried silently.
Mas lalo siyang pumayat ngayon, she looks so weak and I can't stand seeing her suffer like this. Kaya pala mas piniling manahimik ni Nix at hindi na tinanong si mama tungkol kay tita Jasmine. Sa lagay niya ngayon ay parang maliit lang na stress ay ikakapahamak nito!
BINABASA MO ANG
Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)
RomanceAeries and Aerin, twin sisters who were raised in two different world. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay dumating sa punto na kailangang magpanggap si Aeries bilang si Aerin. Naniniwala siyang hindi aksidente ang nangyari sa kambal at malaki ang ko...