-16- Apron

219 23 1
                                    

Everything seems not real. Lahat ng mga nalaman ko kay mama. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, para akong pinagkaisahan. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan. Gulong gulo ako na gusto ko munang mapag-isa.

Hindi na ako tumuloy sa kwarto ni Aerin, hindi ko alam kung kaya ko pang makaharap si Rocco matapos lahat ng nalaman ko. Kahit kay mama, galit ako na hinayaan niyang magalit ako kay Rocco sa mahabang panahon. Hinayaan niyang lumaki ang galit na iyon na hanggang ngayon sa kabila ng mga nalaman ko'y wala paring nagbago.

Naiintindihan ko si mama kung bakit niya nagawa ang mga nagawa niya pero bakit ang hirap para sakin ang intindihin naman si Rocco?

Umalis ako ng ospital, wala sa sarili akong naglakad ng naglakad. Natigil lang ako sa paglalakad nung masilayan ko ang pamilyar na gusali. Tiningala ko ito at parang may kung anong pamilyar na init ang humaplos sa aking puso.

Naglakad ako papasok. Binati ako ng guard at nginitian ng babae sa front desk. Sumakay ako ng elevator at huminto sa tamang palapag. Binaybay ko ang bawat pinto sa hallway saka tumigil sa harap ng isang pinto. Pinindot ko ang panel at nilagay ang tamang combination, umilaw ng berde sinyales na bukas na ang pinto.

Pumasok ako doon at bumungad sakin ang basag na frame sa sahig. Walang nagalaw sa mga gamit. Kung paano ko ito iniwan noon ay ganon parin hanggang ngayon. Pumikit ako, umupo sa katabing sofa saka sumandal.

Inalala ko kung paano nagbago ang buhay ko nung huling araw na andito ako. Dito dapat kami magkikita noon ni Aerin pero hindi natuloy dahil sa isang aksidente. At ang aksidenteng iyon ang nagdala sa akin sa lahat ng ito.

Naisip ko, kung hindi ba ako agad agad na lumabas noon sa condong ito at tinungo si Aerin mananatili kayang lihim lahat ng nalaman ko sa araw na ito? Will it be different? Bakit kailangan kong malaman pa lahat ng iyon?

Okay na ako sa katotohanang inakala kong totoo noon. Bakit kailangan pang maging komplekado?

Humiga ako at hinayaan ang sariling hilahin ng antok. How good it is to rest like this, the silence feels like comfort. It's so peaceful.

Ang pagod sa mahabang paglalakad na ang humila sa akin sa pagtulog.

Gabi na nung nagising ako. Nagising ako dahil sa walang katapusang pag riring ng cellphone. Binalingan ko iyon, hindi nakaregister ang numero.

Kinancel ko iyon.

Bumungad sakin ang napakaraming text messages. Karamihan ay new number. Binuksan ko ang numero ni mama. Nagtatanong kung nasan ako at nakikiusap na umuwi na ako.

Ilan sa mga mensahe ay galing kay Rocco, Levy, Nix at Sandra.

Si mama lang ang nireplyan ko.

'Huwag niyo na po akong alalahanin. Gusto kong mapag-isa muna'

That's my only reply.

Kasunod nun ay ang pagtawag niya. Hindi ko na iyon sinagot at pinatay ang telepono.

Bumangon ako at iniligpit ang nakakalat na bubog. May mga groceries sa ref at karamihan ay hindi pa naman expired. Tinapon ko ang ilan sa mga nasira na pero madami parin namang okay pa. Doon na ako kumuha ng makakain. Pumasok ako sa kwarto at tinanggal ang dating bedsheet, pillow case at comforter na nakalatag, kumuha ako ng bago sa cabinet saka pinalitan ang kama at nagpahinga.

The next day, lumabas ako para mamili ng makakain. Dumaan muna ako sa malapit na grocery para mamili ng chicken, pork, egg at ilan pang wala sa condo. Pagtapos sa grocery ay nag take-out ako ng makakain sa katabi ng grocery na fast food.

Dahil matagal na walang gumagamit ay medjo maalikabok ang mga furniture kaya buong araw akong nag general cleaning. Nung kontento na ako sa linis ay saka lang ako naligo.

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon