-17- Blackjack

202 24 0
                                    


Dumating nga ang secretary ng mommy niya para dalhin ang damit niya, nasa apat na paper bags din iyon. Mukhang mas magtatagal pa siyang mananatili dito!

"What's your plan for today?" he said.

"Nothing" sagot ko.

Wala naman kasi akong planong puntahan o gawin. Gusto ko lang literal na magpahinga. Isa pa'y maulan sa araw na to kaya mas gugustuhin kong manatili dito.

"You? Sigurado ako may mga importante kang gagawin. Papasok ka pa sa school" balik ko sa kanya.

"Hindi ako papasok"

"Bakit hindi? Graduating ka pa naman"

"Sinabi ko na, sasamahan kita"

"Wala akong pupuntahan, dito lang ako. Kasalanan ko pa kung hindi ka makagraduate"

"Dalawang araw na absent lang yun, hindi kawalan"

Hindi na ako nagsalita bilang pagsuko. Kagaya nga ng sinabi ko, literal na walang akong ginawa. Mabuti pa siya at naglutong muli ng tanghalian namin habang ako ay natulog lang muli pagkatapos ng agahan.

Pagkatapos naming kumain sa tanghali ay nilabhan ko ang mga nagamit kong damit ni Aerin. Naligo na rin saka lumabas ng kwarto para sana manood sa TV. Naabutan ko doon si Levy na naglalaro ng cards, kung saan niya nakuha iyon ay hindi ko alam.

"Bored?" He asked.

"Manonood ako" sagot ko.

"Brown out, kanikanina lang nawalan ng koryente. Lumabas na ako kanina para magtanong, pinagpapahinga lang daw yung generator at kagabi pa generator ang supply ng koryente. Dalawang oras lang daw itatagal at babalik muli ang koryente " paliwanag niya.

Hindi ko naitago ang pagsimangot. Hindi naman pwedeng matulog ulit ako dahil ansakit na ng likod ko dahil sa kahihiga!

"Why don't you join me here, let's play" aya niya.

I know him when it comes to playing cards. Sa kanya ako natuto sa paglalaro ng baraha kaya kahit gusto kong sumang-ayon sa paanyaya niya ay nag-aalangan ako.

"What game?" Tanong ko parin.

"Blackjack, simple lang para hindi masyadong matagal"

"Boring " komento ko.

"Lagyan natin ng twist para hindi boring" gusto niya talaga?

"What twist?"

"Truth or dare"

Humagalpak ako.

"Ano ka, highschool?"

Ngumisi ito saka nagtaas ng kilay.
"C'mon, kesa naman wala kang gawin jan. Matatagalan pa bago bumalik ang koryente. Pag naglaro tayo hindi natin mamamalayan tapos na ang oras"

"Fine, what are the consequences? How do we play it? "

Ngumisi ito "Simple lang, if you lose I'm gonna ask you something and if you wont answer, you have to do the dare"

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon