Epilogue

351 20 2
                                    


"Are you sure about this man?"

Ngumisi ako.

"Yeah"

"You know, you don't have to do it. There are other ways to return the favor. Kung bakit ba naman kasi ito pa ang negosyo nina Tito."

"I owe him big thing Will, utang ko sa kanya ang lahat ng meron ako ngayon. I don't care about their business,  I'm just here to return the favor"

Suminghap ang pinsan kong si Will, hindi makapaniwala.  Inayos ko ang suot na coat saka bumaba ng sasakyan.

Nagngitngit ang mga ngipin ko nung makita ang babaeng dahilan kung bakit ako andito, ang anak ni Rocco Gozon. Unang sulyap ko palang sa stage ay nakita ko na siya. Kumuyom ang kamao ko nung makitang umiiyak ito.

Damn girl, if you don't want to be here then why ran away from your father's protection?
Iyon naman iyon eh, kaya hindi siya naprotektahan ng ama niya ay dahil sila mismo ng ina niya ang lumayo. Kung hindi lang sana sila lumayo, hindi mangyayari ito.

Akala ko alam ko na lahat, ngayon habang tinititigan ang babaeng kamukhang kamukha nga ni Aerin, hindi ko alam ang mararamdaman.

Damn secrets.

Hindi ako makapaniwala sa nakumpirma na totoo nga. The girl is real and she's in front of me right now!

Tanging malalapit at pinagkakatiwalaan lang na kaibigan ang nakaka-alam ang tungkol sa anak nitong si Aerin. Gulat ako nung malaman ko iyon, I thought he was single all these years. A man like him shouldn't settle because family is a risk. Sa trabaho niya, para na din niyang kinakabitan ng bomba ang katawan kapag nagpamilya siya.

Then I investigated, not to dig for his weakness but to know how to protect him more. Dahil kahit alam kong mali ang ginagawa niya, gagawin ko parin ang lahat para matulungan siya, lahat dahil sa tanginang utang na loob.

Rocco Gozon is married to a fine woman Adele Gozon. They got separated when his wife ran away a year after they got married. Buntis pa ito nung naglayas. The reason is obvious, dahil sa negosyo ng mga Gozon. The woman gave birth with twins, pinaghiwalay ang kambal at pinalaking magkahiwalay.

Ang kasalukuyang kinakasama ni Mr. Rocco Gozon ngayon na si Amelia Santillan ay panakip lamang, poor woman. Marami pa itong nakasamang babae pero itong si Amellia Santillan ang nagtagal.

This girl in front of me is a bomb who's waiting to explode. Mas malaki at mas delikado.

Aeries Gozon, very interesting.

Nagkukumahog ang pamilya na mahanap siya. Sinong mag-aakala na sila din ang mapapaso sa apoy na patuloy nilang pinapaliyab? Now their beloved princess is thrown into the fire, what will the family do next? 

"I've heard Mr. Gozon turned to the authority, he revealed all the people behind the operation. Bumaliktad sila pati ang matandang Gozon. Hindi mo na kailangang gawin ito. Hindi magtatagal iri-raid din ang lugar na ito. Mailalabas din siya dito" muling pagkumbinsi ni Will sa akin para umatras.

"She's being sold tonight. It will be too late if we leave"

I will save her and bring her to her father, no matter what.  Ako ang magliligtas sa kanya.  Kailangan kong gawain ito para lang maka-laya sa utang na loob.

Tumahimik na ito nung makuha ang punto ko. Nagsimula na din ang bidding, kung pwede lang masapak lahat ng mga putanginang nagbibigkas ng mga numero.

Iniwan na ako ni Will para simulan ang plinano namin.

Then I raised the highest bid. Tuwang tuwa ang putanginang intsik na may-ari ng club. Nung masilayan ko sa malapitan ang anak ni Mr. Gozon, hindi ko ipagkakaila ang makamudo ko ring pagnanasa.

Gamble it All - Games of Risk #2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon