Introduction

8.1K 111 1
                                    

Phoenix Lopez' POV


Napaupo ako sa silya sa harap ni Chief at may inabot siya sakeng papel.



"New mission." sabe niya kaya napangiti ako at binuklat yun.



Nagulat ako ng pagbuklat ko, profile ng isang babae ang bumungad saken.



"Harper Olivarez. Nag iisang anak ng isa sa pribadong business man. Sa kasamang palad ang Tatay ng babaeng yan ang may hawak ng isa sa mga pinakamalaking business transaction, legal at illegal. Nahuli namen ang Tatay niya at nasa kamay naten siya ngayon. Nasa NBI head quarters at kinukuha namen sa kanya ang mga files ng transaction pero sa kasamaang palad binigay niya yun sa anak niya."




Tumungo ako "Gusto niyong kunin ko yung anak niya at kaladkarin papunta dito para makuha naten yung file?" tanung ko dahilan para matawa siya.



"Gusto kong magpanggap kang boyfriend niya at kuhanin ang loob niya para ibigay niya sayo ang kailangan naten. Hindi siya mag oopen sa kahit kanino unless, mahal niya yung tao."



"ANO?! Ayoko!" sigaw ko.



"Gusto mo ng credentials diba? Gusto mo makapasok sa NBI at gusto mo manatiling asset namen? Gawin mo to. Ikaw lang ang pinakabatang tao na meron kame. Do it or else..." napangiti siya "Umalis ka nalang."



Napahinga ako ng malalim..



"Nasa Boarding school siya ngayon dahil sa Special Review para sa pag eexam niya sa mga college school abroad. Nakakuha na kame ng room para sayo at ayos na lahat. You will leaving tomorrow."



Napatingin ako sa kanya "Nagawa niyo na yan lahat? Hindi pa ako pumapayag!" naiinis kong sabe.



"Sino ang may sabe na hindi ka papayag?" confident niyang tanung kaya napayuko nalang ako at napaface palm.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon