Zoe POV
Grabe din ngayon si Tae ha. Makatanggi naman sa hinihingi ko parang lagi kong ginagawa iyon. First time nga ngayon eh. Tsaka, di ko naman talaga iyon gagawin kung wala ang order ni Tita Helena. Okay, Contractubex na nga! I mean move on na nga tayo jan.Hmmm. Mukhang wala pang tao dito sa bahay ah. Buti na lang talaga lagi kong dala itong duplicate key ko. Pagbukas ko ng pintuan, dumeretso ako agad sa kusina para uminom ng tubig. Kahit walking distance lang talaga ang papasok dito sa Villa, nakakapagod din. Buti na lang at Nag-tricycle kami galing school, kaso nga lang nilalakad na namin mula sa entrance ng Villa hanggang sa bahay namin. Ewan ko ba kay tae at naisipang lakadin namin, malayo pa naman uuwian niya. “Haaaaaay.” Mahabang tunghay ko nung matapos ako uminom. Pagkatapos kong uminom, nagderetso na ako agad sa kwarto ko para magpalit ng damit at magluluto ng tanghalian.
At dahil wala si Mama, free ako ngayon dito sa kusina. Hobby ko na talaga ang pagluluto eh, nahawa na rin ako kay mama tuwing pinapanood ko siya dati magluto ng mga ulam na ibebenta sa karinderya. So, ang lulutuin ko ngayon ay Sinigang. My favorite!
And oh, kung nagtataka kayo kung nasaan ang nakababata kong kapatid, he’s staying at his best friend’s house. Dun kasi siya na-tambay tuwing mag-isa lang siyang naiiwan dito sa bahay. He passed the entrance examination in the same school that I am entering, so meaning, he belong to the First Section.
Pagkatapos kong magluto kumain na ako, at pagkatapos hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Ganun lang naman ang routine ko kapag mag-isa ako dito sa bahay eh. Habang naupo ako sa couch dito sa sala bigla-bigla na lang akong nalungkot at na-bored.
“Ang boring naman dito sa bahay.” Usal ko.
Nami-miss ko na mga kuya ko na twice a week na lang kung umuwi. Dahil sa malayo kasi sila nagwo-work at doon na rin sila nagbo-board. Even papa dear,I miss him most. Madalang na nga kung umuwi eh, minsan nga hindi na. Umuuwi lang siya tuwing may magbe-birthday sa amin o di kaya may sakit siya, maswerte pa nga kapag nakaka-uwi siya ng pasko at bagong taon eh. Tapos tuwing day off niya. Actually wala naman akong masasabi kasi ginagawa naman niya iyon para sa amin.
Na-mimiss ko na yung dati lalong-lalo na yung mga kulitan naming nila Kuya Harex, Kuya Harry at ni bunso. Kahit panay ang asar at pambwe-bwiset ni kuya Harex sa akin,tapos panay ang pangaral sa akin ni kuya Harry about sa pananamit and acts ko iba pa rin talaga kapag wala na sila at kailangan na rin nilang magtrabaho para mai-survive ang kahirapan dito sa ibabaw ng lupa at makapa-ipon para sa kanilang kinabukasan. Hindi naman kasi palagi na nanjan ang mama at papa para suportahan kami at ibigay lahat ng pangangailangan naming magkakapatid. Return of investment kumbaga, kung noon sila/kami ang sinusoportahan ng mga magulang namin, ngayon sila naman ang magbibigay at magpapadama ng pag-aaruga at suporta.
Pero malaki ang pasasalamat ko kay God, kasi lagi niyang iniingatan at binibigyan ng lakas ang mga mahal ko sa buhay at mas lalo pa niya kaming bline-bless.
Di ko namalayan na kaka-isip ko dito mag-isa ay nakatulog na pala ako dito sa couch buti na lang dito ako sa pahabang couch naupo at kumasya naman ako.
Sycthe POV
Kriing.. Kriing.. (sorry po sa ringtone ng text message)
One message receive.
“Hmmm. Sino kaya itong nag-text?”One text message, pagbukas ko 'Layla'
Shiit! Woaaaah. HAHAHAHA.
“Oh anak! Ano nangyayari sa’yo? Bakit ka natawa jan mag-isa?” sunod-sunod na tanong ni mama.
“Aaaaaaanak ng tinola! Ma! Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot-sulpot kung saan-saan?” gulat at nasigaw kong tanong kay mama. Pero pagkaraan nakita kong hawak niya ang hose at nagdidilig pala siya ng mga halaman niya.
BINABASA MO ANG
Choosing between First Love and True Love
Teen FictionAting alamin ang mapaglarong tadhana ng ating Bidang babae na confused na confused kung sino ba ang pipiliin niya between his two love na parang mahal ko o mahal ako ang drama sa buhay.