Discuss..
Discuss...
DIscuss..(Bell rings!)
Okay uwian na!After class pumunta akong canteen and luckily bukas pa naman ito.
Binati ko Lang si ate cashier na nandoon pa din sa pwesto niya upang magbantay. Mejo close naman kami ni ate."Ate, may hahanapin lang ako sa loob." Paalam ko kay ate.
"Keri lang!" Sagot niya habang busy siya sa pagne-nail pile ng kuko niya.
"Hehehe." Tanging sagot ko lang din at pumasok na.
Nang marating ko ang pwesto namin ni Sycthe tae. Walang ano-ano'y yumuko ako at tiningnan ang ilalim mesa at tama nga!
May nakasulat na Haris Zoe and Sycthe table ONLY!
Tsss. Walanjo toh. Lakas ng amats nung sinulat.
Te--teka! Eh ba't nangingiti ako mag-isa? Maya may makakita pa sa akin na ibang tao at isipin na ako'y nababaliw.
Makauwi na nga!
Nagpaalam na rin ako at sakto pasara na rin pala ang school canteen kaya ayun, nauna na ako.Habang ako'y naglalakad pauwi ay bigla kong nakita sina Sycthe at Layla. Mukhang ihahatid niya ata ito pauwi ah. Seryoso na nga.
At sa may gate naman nandoon si Tatum na pasakay na sa kanyang sundo, hindi si Ate Tash ang sumundo sa kanya kundi ang driver nila. Ata?
Ako ay patungo na rin sa may hintayan ng sakayan ng jeep.
Mahirap i-explain ang nararamdaman ko ngayon. May part na kinikilig ako, oh ayan inamin ko na at may part na nanghihinayang ah basta ewan! Di ko na maintindihan.
Madami na ding students na pasakay kagaya ko at pauwi na rin.
Di na kami sabay umuuwi ni bunso kasi minsan hindi pareho ang uwian namin meron iyong mas maaga siya meron din yung mas late ganun ba. Kaya, napag-usapan namin na mauna na siyang umuwi kung ganoon.
S❤A❤ B❤A❤H❤A❤Y❤
"Itadaima! Mamsy! Bunso!" Sabi ko nang nabuksan ko na ang bahay. May sari-sarili din kasi kaming susi ng bahay kaya ayun.
Haaay, walang sumagot kaya. Meaning wala pang tao.
Makapag-shower nga. Juskoo! Andaming nangyari ngayong araw.
Doon ang lugar kung saan the best place para mag-isip.
Tila nagfla-flash back yung nangyari kanina na naman. Akala ko ba, best place to think, eh ba't parang the best place to reminisce naman ata! Tsssk.
Done! At super refreshing!
Humilata agad ako sa higaan ko matapos ang mabilisang shower.Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Zoe.. gising na anak.." si Mamsy at ito at inuuga-uga pa ako.
Binukas ko ang aking mga mata. Tama nga si mama.
"Oh, ma anong oras na? Sorry di na ako nakapag-luto pa." Sabi ko habang kinukoso-kuso ang aking mga mata.
"No, hindi pa masyadong gabi noh. It's just 7:00 in the evening and I need you to wake up now para sabay-sabay na tayong kumain. Okay." Sabi ni mama at mukhang maaga ata ang uwi.
Bumaba na si mama at sumunod na rin ako. Pagkatapos naming kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin.
Tumungo ako sa sala kung saan nandoon si mama na busy sa kaka-kwenta, siguro sa karinderya at si bunso na busy na nagbabasa ng books niya. At gumagawa na rin ata ng homework niya. Umakyat lang ako at kinuha ang aking mga gamit upang maki-upo kila mama at doon ko na gawin ang homework ko din.
BINABASA MO ANG
Choosing between First Love and True Love
Teen FictionAting alamin ang mapaglarong tadhana ng ating Bidang babae na confused na confused kung sino ba ang pipiliin niya between his two love na parang mahal ko o mahal ako ang drama sa buhay.