Chapter 7: You're the best brother ever

13 2 0
                                    

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Kuya Rex na nasa kusina at mukhang nagluluto siya ng makakain ha. Take note, di pa niya namalayan na nakapasok na ako dito sa bahay. Kung magnanakaw lang ako, nako kanina ko pa naitumba itong lalaking este kuya kong ito. Dinahan-dahan ko nga maglakad papunta sa kanya. Hina ng instinct. Tsssk.

Magulat nga. Wahahahaha. Heto na, magre-ready na akong sumigaw kaso lumingon naman agad ang loko at ngumiti pa. Walanjo ako naman ang nga-nga ngayon. Grabe siya oh!

"I know kanina ka pa diyan at titig na titig sa likuran kong perfect ang pagkakahubog. At kilala na kita, sisigawan mo ako. Di na uubra yan princess." Tila confident niyang sabi sa akin.

Urggghh! Ibang klase may mata ba siya sa likod at kung makapag state siya ng mga posibleng gagawin ko ay tama? Ano pa nga ba makaisip nga next time ng ibang moves. Kabisado na niya itong mga galawan kong ito ha.

At irap na lang ang tanging sagot ko sa kanya, sabay sabi ng...

"Itadaima Oniichan! Hehe." (I'm home older brother!) Sabay wave ng kamay ko na parang walang nangyari.

"Uhm. Sige magpalit ka na ng damit at tulungan mo ako magprepare ng dinner, in any moment kasi dadating ang ate Tasha mo." Sabi niya na busy sa paghihiwa.

"Really? Sige, Sige Kuya." Excited kong tanong. "Si mama pala kuya?" Sunod kong tanong.

"Ah, si mama nasa karinderya. Alam mo naman kina-career niya iyon." Busy pa rin siyang nag-hihiwa.

Pagkatapos kong magpalit ay bumalik din ako agad sa kusina para tumulong.

"Princess. Ika--.."

"Kuya, stop calling me 'princess'. Ayokong tawagin mo Ako nun, Para tuloy na kapangalan ko so Princess iyong kaklase namin. Tss" mejo irita kong pagpapaliwanag kay kuya.

"Ah ganun ba? Oh edi 'baby girl' na lang. Magko-complain ka pa ba na may kapangalan ka na classmate mo?" Aba mautak ang kuya kong ito ha! Hindi nga 'princess' pero 'baby girl' naman na errrr, nakakadiri. Tsssk.

"Maituloy ko. Baby girl. Ikaw ba ay kayo na nung payatatot mong kaibigang lalaki na addict sa DOTA na lagi sa computer shop?"
Dire-deretso at walang patumpik-tumpik na tanong ni kuya. I wonder kung di ba aiya hiningal sa sinabi niya. Pero seryoso pa rin ang mukha at pananalita kahit na errr, may "Baby girl" sa unahan. Gross! I'm not baby anymore, pero kahit anong pagpapaalala sa kanya/kanila still they call me 'baby girl'. Minsan nakakabata ng feeling pero di ko pinapahalata, minsan mejo nakakairita kagaya na lang ngayon.

"Nichan! (Older brother) saan mo nahagilap iyang chismis na iyan??" Bigla at inis kong tanong.

At paanong magiging kami ni tae, ni hindi nga siya nagkaroon ng interes sa akin eh. Siguro bilang kaibigan lang pero over than friendship? I don't think so.

Pero bakit kanina? Lagi akong tinatawag na 'ganda' ni kupal na tae?? Isssh! False hope Zoe! False hope na naman! Di ka na natuto noong Christmas party niyo nung Grade six ka. Tsssk.

.....

Utot! sabi niya noon na "huwag kang maga-alala ikaw lang ang babaeng hindi ko sasaktan....

Napakatagal na katahimikan ang namayani sa buong klase.
Umasa ako na totoo iyon, umasa ako na ito na ba ang sinasabi nilang mararamdaman ng taong tinamaan na ng sinasabi pag-ibig? Alam ko napakabata ko pa para mag-isip ng ganyang bagay pero wala eh, iba talaga kapag nadama mo na.

Pero di kalaunay, bigla siyang tumawa at sinabing "Epic fail ang mukha mo Zoe! Ano? Naniwala ka noh?? Pero kidding aside totoo iyon, di kita sasaktan pero bwe-bwesiten lang sa buong buhay mo!"

Choosing between First Love and True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon