Chapter 2: Zagu Issue

31 3 0
                                    

Zoe POV

"Hala sige Zoe, day dreaming ka pa jan! Yang pagkain mo ang lamig na oh!" si mama na naman yan. Eh nag-intro lang naman ako. Parehas sila ni konsensya eh.

"Ma! para kang nakalunok ng microphone eh. Oo na kakain na po."

At nang matapos na akong kumain saka na ako nagpaalam kay mama dear para sumibat na. Pagdating ko sa school, ah nga pala ang school na pinapasukan ko ay national high school. So, as usual madami na namang mga students na kagaya kong palakad-lakad para magpa-enroll. Ako naman deretso lang sa administration office namin sa second floor. At after ng mabilisang pagsa-sign ko sa enrollment form ay pinass ko na ito. Wala na akong balak magtagal pa. Pababa na ako ng hagdan na may biglang nakabangga sa akin. At talagang napa-aray ako sa sakit ng pagkakasalampak ng puwit ko sa sahig.

"Ano ba yan! Uso tumingin sa daanan, baka may mata ka po.." sarkastiko kong sabi nang dahil sa inis.

"Chill ka lang Tombs. Masyado namang hot yang ulo mo. Umagang-umaga oh!" pa-cool niyang sabi. At di ko pa lang nakikita ang mukha ng alupihang Tae na ito, eh kilala ko na kung sino.

"Bwiset ka! Umagang-umaga nga tae ka nakakapang-init ng ulo yang mga kalokohan mo. Babanggain mo na nga ako dito pa sa may hagdanan."

"Sorry Poooooooo!" gaya-gaya niya si Mikay ng Princess and I, and all in fairness ha, kuhang-kuha baklang-bakla ang dating eh!

"Tumayo ka nga jan para kang bakla!" sabay irap ko sa kanya .Alam na niya kasi na galit ako, di pa man din ako handa sa pangtri-trip niya. Ang duga eh.

"HAHAHA, edi bakla kung bakla! Itong pogi kong ito walang maniniwala na bakla ako uy! Tanggapin mo na sorry ko Tombs!" sinasabi niya yan na nasa ganung posisyon. At nang mapansin kung medyo madami-dami na rin ang paakyat sa itaas eh, nahiya na ako baka sabihin inaalipin koi tong taeng ito kaya pinapatayo ko na siya..

"Tayo ka na jan, sabi eh! Oo na. Apology accepted na! Oh ano ayos na?"

naku! naku! talaga kung di lang ako nagmumukhang masama dito. Di ko talaga papansinin itong taeng ito eh.

"Ayun oks nako Tombs!" may pa okay-okay sign pang nalalaman habang tumatayo at nagpa-pampag ng idinapang pants ang taeng toh.

"Nga pala, Tombs tapos ka na bang magpa-enroll?" Tanong niya sabay hila niya sa akin sa may gilid ng daanan sa hagdan.

"Tanga neto oh! Natural! ano pa ba ang ginawa ko sa itaas kung hindi ang magpa-enroll." Nakasigaw kong sabi.

Masanay na po kayo sa akin nan aka-sigaw lagi kapag kausap ko itong tae na ito.

"Aray! Maka-tanga ka naman Tombs parang di mo ko bestfriend ah. Minsan nakakatampo ka na rin eh. Malay ko ba kung iba pala ginawa mo sa itaas, diba? Atsaka, magpapasama lang naman sana ako eh. Tapos, tapos sabay na tayong umuwi." ayan jan sa mga part na yan nakakadiri yung pagmumukha niya na teary-eyed with pout tapos may pahawaak-hawak pa siya sa may puso niya kunware. Parang asong ulol eh.

"Ikaw tae ka ah, Ako'y tigil-tigilan mo sa mga ganyang pagmumukha. Promise kung ang mama mo napapasakay mo sa ganyang kalaswang mukha, pwes ako hindi!"

"Eh kaya nga kita tinatanong kung nakapa-enroll ka na eh? Malay ko ba kung iba ang ginawa mo sa itaas!" nakasigaw niyang sabi.

Eh?? Tamo tong tae na toh! Siya na at nagpapasama at lahat-lahat siya pa may ganang sumigaw. Tinaasan ko nga ng kilay sabay halukipkip ng dalawang braso ko.

Choosing between First Love and True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon