CHAPTER 1: NENENG AND TOTOY DAYS

30 3 2
                                    


Ako’y isang simpleng babae lang naman, na may masaya at buong pamilya. Akala ko dati, di ko na kailangan pa ng love ng ibang tao. Kasi I grow up in a family that teach me to be contented with what I have and the fact that, I am the only girl in our family. Actually I have three brothers. Kaya feeling ko dati di ko na kailangan yun siguro kasi mejo bine-baby nila ako lagi pero not to the point na ini-spoiled na nila ako. Pero para sabihin ko sa inyo I’m not like any other girl out there na masyadong girly. I have this boyish type in my body.  But one day, I did not expect to have a boy best friend that seems my mortal enemy before and turns out that I think I have this very inexplicable feeling for him.. Aisssh! Ang ironic noh?

(Convo of Batang babae at Batang lalaki)
“Hoy Pokwang!”- batang lalaki na tila nang-aasar

“Anong sabi mo? Pokwang?!”- batang babae na lumaki ang butas ng ilong dahil sa galit.

“Oo, ikaw nga Pokwang! Bleeeh. AHAHAHAHA.”- batang lalaki sabay dinilaan ang asar na asar na batang babae

“Pwes, kung ako si Pokwang ikaw din si Palito! Urghh. >.<’- batang babae

“Pokwang!”- batang lalaki

“Palito!”- batang babae

“Ows, ako Palito? Di naman ako payatot kagaya mo ha?”- depensa ni batang lalaki

“Huwaw! Nagsalita ang kalansay. Makapagsabi ka ng payatot ha, parang di ka payat!” – Batang babae na feeling nakabawi kay batang lalaki pero sa huli naasar din

“Away na yan! Away na yan! Away na yan!”- classmates
(insert evil grin ni batang lalaki)
(insert din ng naniningkit na mata dahil sa galit ni batang girl)

Third Person POV
Kinantsawan sila ng buong klase. At nang tumakbo na si batang babae na naka-amba ng suntok para kay batang lalaki na biglang umatras at handang tatakbo na rin nang bigla niyang  natabig ang flower vase ni Mrs. Gonzales na kanilang teacher. At saktong nadatnan nga sila ng kanilang guro sa ganoong pangyayari na tila naging battle ring ang buong classroom. Ang ibang estudyante niya ay nakatayo sa taas ng kani-kanilang mga mesa at humihiyaw para i-cheer ang sari-sariling mga pambato.

“Ikaw Mr. Jimeco, tatlong pingot sa tenga o isang palo sa puwit?” si Mrs. Gonzales na umuusok na ang ilong pati ata tenga sa galit.

“Ma’am tatlong pingot po” sagot ng batang lalaki.

A-aray! Arayyy! Ma’aaam. Angal ni boy, masakit!! Eh, talagang tatlong pingot ang pipiliin dahil mas masakit ang isang palo sa puwit. Iisa nga ngunit masakit.

“You two will be expecting that your parents will know about what happened today in our class. Hindi ko ito mapapalagpas. I thought you’re all well-disciplined to leave here in our classroom but it seems like I’m wrong. Grade three na kayo eh, alam ko na at your age hindi maiiwasan yung ganyan na may awayan. But could you not control yourself? Especially sa inyo Mr. Jimeco and Ms. Co. Mr. Jimeco, babae si Ms. Co at di mo man lang ba iniisip ang nararamdaman niya kapag inaasar mo siya. At ikaw naman Ms. Co, lalaki siya and do you think kaya mo siya or do you think para lang siyang kaaway mo na babae na pwedeng-pwede mong sabunutan anytime na gusto mo? Try to grow up kids, because sooner or later di na talaga pwede yang mga ganyang ginagawa niyo. Mahihiya din kayo.”
Pangaral sa kanila ni Mrs. Gonzales na halatang stressed na sa office work at ganun pa ang nadatnan sa kanyang room bago niya paupuin si Mr. Jimeco.

“Umupo ka na Mr. Jimeco, ikaw Ms. Co tatlong pingot o isang palo sa kamay?”- Mrs. Gonzales

“Ma’am pwedeng wala sa nabanggit?” sagot naman ng batang babae na nginisihan pa ng napakalaki  ang guro

Choosing between First Love and True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon