Chapter 9: His personality

12 2 0
                                    

Zoe's POV

After the first week of schooling na walang ibang ginawa kundi ang 2 days of school orientation dahil masyadong madami ang population ng school. That's why they decided to divide the day of orienting into two days para mailatag talaga ang mga dapat ilatag na rules sa school lalong-lalo na sa mga freshy. At ang aming class adviser na nilatagan din kami ng kanyang house rules. Other subject teachers just only introduce their subjects and gave us home works to do.

Haaay, akala ko pa naman talagang magka-klase na sa first week. Pero "akala" ko lang pala. It went well naman, si Kuya Rex bumalik na rin sa work niya. Napaka-peaceful ng mind ko noong umalis na siya. Char! For sure mamimiss ko na naman ng bonggang-bongga ang dalawa kong kuya. Thursday iyon nang bumalik na siyang work.

Madalang lang din akong pansinin ni Tae this few days.

Wednesday...
(Kriiiiing)
Lunch Time at mukhang nagmamadali siyang lumabas ng pinto na animo'y may aabangan sa labas. At sinundan ko din ng mabilisan. May sinabi ata si hilaw pero di ko narinig dahil, patakbo din akong lumabas buhat-buhat ang bag ko.

"Huy Tae! Sasabay ka ba mag-lunch sa akin ngayon?? Dating pwesto." Tanong ko sa Tae ng maabutan ko siya sa may pinto.

"Ahy, oo pala Zoe. Nakalimutan kong sabihin na di muna ako sasabay sa iyo." Saka siya tumingin sa may bandang likuran ko at sabing, "Ayan, nandito ka na pala Layla." Sabay hila kay Layla na mukhang nahihiya pa ata kaya hinila ni Sycthe.

"Layla, siya pala si Haris Zoe yung Tomboy na kinu-kwento ko sa'yo na bestfriend ko. Tombs! Este, Zoe si Layla pala yung nai-kwento ko sa'yo noon na nililigawan ko ngayon girlfriend ko na." Pagpapakilala sa amin ni Sycthe sa isa't-isa. Inilahad ko ang kamay ko bilang sign ng pagpapakilala kay Layla at ganun din ang ginawa niya saka kami nag-shake hands at nginitian niya naman ako, but it's not my thing to smile with the girlfriend"s" of Sycthe. Aaminin ko mejo ayaw ko sa babaeng ito dahil parang may ibang meaning ang smile niya at siya ang kauna-unahang pinakilala sa akin ni Sytche sa lahat ng naging girlfriends niya.

"Hi! Nice to meet you Haris Zoe." Malambing na pagkakasabi nitong ni Layla.

"Nice to meet you too!" Sagot ko rin sa kanya using my normal voice.

"So ayun! Yan sana ang sasabihin ko sa'yo Tombs eh, di ako makakasabay sa'yong kumain dahil sasabayan ko ng lunch si Layla." Pagpapaliwanag ni Tae.

"Ahhhhhhy. Okay." Sabi ko. Nang marealize ko na ang bitter naman ata ng sagot ko kaya dinagdagan ko na lang. "Sige, enjoy niyo ang lunch guys! See you around!" Sabi ko ng may mapagkunwaring ngiti sa aking mga labi at saka tumalikod na at naglakad ng diretso papuntang School canteen. How hypocrite I am..

Yan na ata ang last na encounter namin. Last time na nagka-girlfriend siya, sa akin pa rin naman siya nakikisabay kumain eh. Pero bakit ngayon. Haaay, hayaan na nga.

Minsan tinetext na lang niya sa akin na di siya makakasabay. Medyo hindi na rin niya ako pinagtri-tripan o nakakausap kahit magka-klase kami paano? Eh kay Layla lang naman nakatuon ang pansin niya.

And this past few days din, na di kami magkasama ni Tae. Eh pansin ko laging napunta sa pwesto/table namin ni tae tuwing lunch itong si Hilaw. Kaya pinapayagan ko na rin para naman lahit papaano mas makilala ko pa itong si Tatum nang maigi through observation.

In fairness, mabilis siya nakakasabay sa mga trip ko. May humor din siya. Ngayon ko lang napansin na kaya pala natili lagi ang mga classmate ko tuwing nakikita nila itong ai Tatum ay dahil bukod sa makinis ang kutis at para siyang may lahi, palangiti pa. Konting ngiti lang lumalabas na ang dimples niya.

Choosing between First Love and True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon