❤S❤A❤T❤U❤R❤D❤A❤Y❤
#karinderyaMuna
Maaga akong nagising kahit weekend ngayon. Gusto ko kasi sumama kay mama dear mamalengke at tumulong sa karendirya.
>>>>Karinderya>>>>
"Oy Bakla! Este Tomboy na unica bakit ngayon ka lang napadalaw na-miss ka ng Tita mong pretty." Bira ni Ate Norie
"Huh?? Sino pong Tita?" Takhang tanong ko.
"Ahy! Nag-school lang naging slow na. Sino pa ba ang Tita mo edi ako! The one and only Tita Norie." Proud niyang sabi habang naghuhugas ng mga gulay.
Ahy, okay. Siya pala yun sorry naman ano?? Slow lang..
"Tssss. Dami pang chuchu ate Norie. Paano ko alam na Tita kita eh? 'ate Norie' nga ang tawag ko sa iyo eh."
"Oh, ano yang usapan niyo jan? Nahuli lang ako may topic na agad kayo. Share niyo naman sa akin." eksena ni mama dear
"Naku ate, natanong ko kasi iyang si Bebe gurl Zoe kung bakit ngayon lang siya nadalaw sa aking Tita niya." Talak ni ate Norie.
Hmmmp, kulit 'ate' nga diba?? Ate.
Nagpunas na lang ako ng mga mesa at nag-ayos ng upuan.
Pagkatapos nun ay tumulong akong humiwa ng kung ano-ano."Buti naman ate, napasyal ngayon si bebe gurl dito sa karinderya??" Pabulong na tanong ni ate Norie kay Mama dear.
"Ewan ko din eh. Hayaan mo na Tinorio, minsan lang yan ulit sipagin pumunta dito. Tsaka natutuwa ako dahil sa wakas ay ginamit din niya yung maong shorts na regalo sa kanya ni Drea." Dinig ko pang sabi ni mama dear.
"Eh, kumpara sa shorts ko ate, mas sexy pa naman ito kesa sa suot niya ngayon. Pero compare dati ha, in fairness ate, mas marunong ata siya ngayon mag-mix match ng damit." ate Norie habang patuloy sa pagluluto.
"Truth! Yan nga ang ibig kong sabihin. Sa tingin mo, di kaya may manliligaw na ito sa school nila?" Tanong ni mama dear and sa part na yan hindi ko na kayang manahimik kaya sumabat na ako.
"Ma!! Foul na yang 'manliligaw' na word. Tsaka bakit naman kung iniba ko konti yung style ko ng pananamit, tsss. Big deal?" Sabi ko na ikinagulat nilang dalawa na narinig ko pala lahat ng usapan nila.
Mahadera kasi itong tainga ko kaya, yan ang sisihin niyo.
"Naku! Hindi naman hija. Ito naman, siyempre natutuwa lang ako ngayon sa pananamit mo. Pero yung 'manliligaw' huwag muna yun ang isipin ha. At kung meron man, dapat dumaan muna sa akin."
"Tama, korak! Pak ganern! Dapat dumaan muna kay mother, father at sa akin." Sabay posing ni ate norie na parang nagmo-model.
Ano to? Bahay ni kuya na may audition at dapat dumaan muna sa screening?? Heck!
"Errrr. Wala pa po! Foul na yan." Saka ako tumalikod sa may gawi nila at di na muling lumingon pa. Naalala ko na naman kasi kahapon eh. Busat!
Madami-dami pa din pala ang mga customer kahit weekends. Mostly sa mga ito ay mga tricycle driver at jeepney driver. Tapat kasi ng pwesto namin ang babaan ng mga pasahero ng jeep at tricycle.
"Ate Norie, dalawang C3 at isang C1 order nung table number 3." Paglista ko dito at pagsabi kay ate Norie na busy sa paghahain. Si mama dear naman ang para kuha ng bayad.
"Okay bebe, noted. Pakisabi hintayin na lang." Sigaw pabalik ni ate Norie.
Madali lang ang gawain lalo na at tatlo kami, pero dati ay kinakaya nila mama dear at ate Norie. Pero mas madali ang trabaho ngayon dahil meron ako.
BINABASA MO ANG
Choosing between First Love and True Love
Teen FictionAting alamin ang mapaglarong tadhana ng ating Bidang babae na confused na confused kung sino ba ang pipiliin niya between his two love na parang mahal ko o mahal ako ang drama sa buhay.