Zoe POV
Naku! Nakatunganga na pala ako dito sa harap ng bahay. Kailangan ko pang kumain nang makapaglinis at makapag-laba. Dahil dadating sila papsy at kuyas ngayon.
Gotta go! Pero oooops. Andito pa si mama dear? Di pa siya napuntang karinderya?? Hmmm. Kanina pa pala siya kinakausap ni Tae di ko namalayan tuloy na andito pa siya.Nakaka- Alzheimer’s na rin pala yung epekto ng sinabi ni tae about sa new girlfriend ek-ek niya.
“Oh! Zoe kanina pa kita tinatawag jan ha? Buti at napatingin ka dito sa gawi ko. Tulaley pa more!” ayan na naman si mama eh. Walang pinipilinhg lugar, kung talagang sisigaw at bibira di mo mapigilan.
“Ma naman! Ssssssh. Alas-otso y’media pa lang, yang bunganga mo baka magising mga kapit-bahay natin niyan. Sisihin ka pa na di nila nasulit ang bakasyon nila.” Sabi ko habang lumalakad papuntang kusina at tumungo agad sa ref.
“Huwag kang ano jan! Alam mo naman na wala tayong kapit-bahay dito tuwing bakasyon dahil nasa summer get away nila ang mga yan.” Nakasunod na rin si mama sa akin at naupo sa isa sa stools sa may bar counter ng kusina
“Okay. Okay fine. Talo na ko. Nga pala bakit di ka napasok ngayon sa karinderya ma? Baka hanapin ka ni Ate Norie.” sabi ko nang makuha ko yung tubig na binababadan ko lagi ng lemon at sinalinan ang baso ko sabay upo sa may tabi niya at kuha ng isang apple.
"Haynako anak, nabilin ko na siya lahat ng mga gagawin niya doon. No need for you to worry." Habang pinapanood akong ngumunguya-nguya pa.
“Ahy okay.” Tanging sagot ko
“Atsaka nasabi ko kasi na uuwi and papsy niyo at mga kuya mo. Kaya naintindihan naman niya. Keripam-pam na raw niya yun.” Dagdag ni mama.
“Haha. Mga ganyang gay language ni kuy-aahy este ate Norie eh noh.”
“Ma, si bunso? Nakain na po ba kayo?” tanong ko at sabay lingon sa may sala baka nandun lang siya.
Nandoon nga naka-headset na naka-upo.“Gising na rin siya. Actually hinihintay ka naming na dumating para sana sabay-sabay na tayong kumain nak.” Patayo na si mama at binuksan ang mga natakpan sa may lamesa na mga lutong pagkain.
Tumayo ako pagkaubos ko ng apple at tinawag na si bunso.
“JR kain na daw sabi ni mama.”
“Okay, Good morning pala ate.” Bati niyang nakangiti.
Before kumain pinag-pray muna ako ni mama. Kaya nag-pray naman ako. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan namin at si mama ay sinimulang maglinis dito sa baba. Si bunso ay pumunta ata sa kwarto niya. Siya na rin kasi naglilinis doon. Tuwing uuwi kasi sila kuya doon sila natambay para mag-tugtog. Yeah may iba’t-ibang gitara sila, may drums, may piano and even saxophone. Yun yung pinaka-iingatan ni bunso na gift ni papsy sa kanya nang siya ang naging Class valedictorian last graduation for Grade six. Buti nga at sound proof ang kwarto ni bunso. Natambay din ako din minsan kapag bored na talaga ako but not without the permission of my younger brother.
Anyways, Highways Char!
“Burrrrrrrrp.” At oo, ako iyon.
Napatingin si mama sa gawi ko at ako ay nag-peace sign lang.
“Hija naman kadalaga mong tao e. Huwag ganun, and remember always say excuse me when you do something like that also in farting you must excuse yourself first. Hindi peace sign ang ginagamit.”
At kelan pa naging etiquette school dito sa bahay, Aberrrr?
“Okay. Got it! But since when that our home become a school of etiquette ma? I am not informed or well oriented yet.” Biro ko kay mama
BINABASA MO ANG
Choosing between First Love and True Love
Ficção AdolescenteAting alamin ang mapaglarong tadhana ng ating Bidang babae na confused na confused kung sino ba ang pipiliin niya between his two love na parang mahal ko o mahal ako ang drama sa buhay.