Chapter 12: With the great help of Mom!

8 2 0
                                    

Matapos ang meeting namin, hanggang sa paglalakad ko ay iyon pa rin ang iniisip ko. Ang club hunting na iyan. Issssh! Maaga pa naman makabili nga muna ng inumin.

Sakto naalala ko yung Zagu at napaliko ulit ako ng lakad imbes na sa sakayan ng jeep ako ay napaliko ako papuntang Shop ng Zagu. Nag-ninja moves na kasi si Tatum kanina. Natangay ata nila Topher and Company.

Pagkapasok ko...

"Magandang hapon Ma'am! Ano pong sa inyo?" Tanong nung nasa kahera ng tumitingin ako sa mga pagpipilian.

"Ate, isang Choco Crumble na Grande." Kako at saka ngumiti sa akin ang kahera. Ako naman ay nagbayad na at naghanap ng mauupuan upang hintayin ang aking in'order, sakto wala pang nakaupo sa may malapit sa glass wall kung saan makikita mo ang mga nagdadaanan.

Magandang spot na rin ito upang makapag-isip ako ng matino.

Bzzzzt. Bzzzzt.. (vibration po iyan ng phone ni Zoe)

Habang naghihintay ako ay, nagvibrate ang nasa bulsa kong phone.
Sino naman kaya itong nagtext?

Pagtingin ko ay si 'Sycthe Tae' lang pala. Ibabalik ko na sana sa bulsa ko nang bigla kong marealize na Si tae pala ang nagtext! Ansabeeee!

Agad-agad ko itong binuksan at..

[Hi Tombs! Saan ka ngayon? :-)] yan po ang sabi niya sa text. At buti naman ay unli ako ngayon kaya ni'replyan ko.

[Dito sa Zagu shop Tae! Malapit sa school. Bkit?] Reply ko naman.

Wala pang ilang segundo ay nag-vibrate ulit ang phone ko na nakalapag sa mesa. At sabay nito ay paghatid ni ate ng order ko.

"Thank you ate!" Kako at umalis na rin siya matapos ilapag ang order ko. Saka ko naman binuksan ang text message.

[Okay. Papunta na ako jan. Sabay na tayong umuwi ngayon ha? Hintayin mo ako.] Mejo mahabang reply niya sa akin.

[Okay.] Maikling reply ko tinatamad na akong mag-type atsaka inip na akong uminom nitong in'order ko.

Habang umiinom ako at nanunood ng mga students na nagsisidaanan ay naalala ko mag-text kay JR.

[Bro! Mauna ka na palang umuwi ha. Sasabay sa akin si Tae, tsaka may bibilhin lang ako saglit.] text ko dito.

At maya-maya pa'y may reply na.

[Okay ate, ingat! See you sa bahay maya.] Sabi niya sa text.

[Ikaw din um'ingat!] Huli ng reply ko at may palad na sumarado sa mga mata ko.

"Hoy! Tae ka. Bitaw na." Sabi ko at pilit na inaalis ang mga kamay niya na nakasarado dito.

At walang ano-ano'y inalis din naman niya.

"Tssssk! Lahat na lang alam mong ako. Ang duga mo rin eh noh?" Sabi niya na mukhang asar at hinila ang upuan na nakaharap sa akin kaya ngayon magkaharap na kami.

"Eh, hindi na ako magtataka na ang gumawa sa akin niyan eh ikaw. Ikaw lang naman ang kilala kong madaming alam na kalokohan. Urur!" Sabi ko sa kanya na nakangiti pa ang Tae!

"Grabe siya!" Sabi niya na parang kinakawawa ko naman ng bonggang-bongga. Tapos biglang ngumiti lang din.

"Hoy! Tae ka anong nginingiti-ngiti mo jan?!" At sabay pinandilatan ko ng mata.

"Wala naman ang sarap kasi niyang in'order mong Choco crumble. Hihi" shemay! Tinikman niya!

"P--pa--paanong nainuman mo yan? Eh isinarado mo lang naman kanina iyang mga kamay mo sa mata ko ah??!" Pagalit ko nang tanong, kabanas na eh! Puputok ata itong sintido ko kakaisip.

Choosing between First Love and True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon