Chapter 17: Shattered heart

8 1 3
                                    

Sycthe's POV

Talagang inagahan ko ang pumasok ngayon. I decided to go in Science building, botanical garden specifically.
Favorite spot ata dito ni Zoe.
Sakto, para timing na pagpunta niya dito ay pag-uusapan namin ang tungkol sa ti'next ko kahapon.

Umupo muna ako dito sa may round table.

Ilang araw o weeks na rin ata ang nakalipas ni hindi man lang namin magawa yung dati naming bond. Nakaka-miss tuloy siya.

Pero wala eh, may girlfriend na kasi ako ngayon. Si Layla, kilala naman niya kasi nga ka-klase namin at naiintindihan naman siguro niya.

Actually mabait naman si Layla, sa sobrang bait ay Kapag after lunch time at may natitira pang isang oras bago ang next subject ay sinasama niya ako sa library doon ina-advance na naming gawin yung ibang homeworks namin pag minsan o di naman kaya'y nire-review niya ako about sa next subject para daw prepared ako.

Caring din siya at maalaga. Naalala ko nga noong try outs sa basketball hinatidan pa niya ako ng tubig at pinunasan ang aking pawis nung water break namin. Katatapos lang daw niya kasi sa Science club at wala na silang gagawin pa kaya ayun nanood siya.

Yun nga lang, minsan nai-kwento niya Ang tungkol sa "ex" niya sa akin na dati daw ay gustong-gusto ito ng mga magulang niya dahil bukod sa magkakilala ang parents nila pareho ay boto ang parents niya kay "ex".

Minsan in'offer ko na ihatid na lang siya or sunduin din minsan para makilala din ako ng parents niya pero ayaw niya.

Isang beses nag-joke ulit ako about sa hatid-hatid na iyan, pero nagulat ako dahil nagalit siya. Ang kulit-kulit ko daw. Kaya ayun, mula sa tagpong iyon ay di ko na siya kinulit tungkol dito.

5 minutes later...

Napalalim ako ng pag-iisip doon ah.

Grabe! Ang tahimik! Buti at kinakayang mag-stay dito ni Zoe. At mag-isa lang niya. Kapag kami naman ang magkasama walang oras na hindi iyan maingay. Depende lang kapag 'meron daw' siya. Yun tahimik siya sa mga ganoong sitwasyon pero beast mode on, naman.

Hahaha. Mali!! Lagi naman pala siyang beast mode eh.

Isang rason kung bakit ko siya gusto... aissssh! Ano ba itong iniisip ko! Erase... erase.... erase...

Hindi pwede ito. Nangako ako..

Lumingon-lingon ako atsaka binalik ang aking paningin sa wrist watch ko.

Tsss. Marahil nagtataka kayo kung bakit walang nagtititili dito noh? Tagong parte kasi ito ng building.

Kaya huwag na kayong magtaka pa. Siguro para kay Zoe maganda dito, napakalalim kasi ng babaeng iyon eh. Kahit na nasasabi kong maingay siyang kasama. Ramdam ko din na may malalalalim din siyang iniisip. Di nga lang halata.

Lumingon ako sa may bandang likod ko kasi ramdam kong may tao.

Tama nga! Si Zoe. Kaya nginitian ko ito at bakit naman nakatunganga itong isang ito?

Maya-maya pa saglit ay nag-snap ako sa harap niya. At sabing, "Wuyyy! tutunganga ka na lang ba jan o tatabi ka sa akin para naman makapag-usap tayo Tombs.?"

"Ah---eh-eh. Ang a--aga mo man'trip ngayon ah. Dati nakatago ka at bumabato lang ng bato." Anyare at nauutal ito ngayon? Parang matatae

Lumapit din atsaka umupo sa may bandang harap ko.

"Anong bang pag-uusapan?" Tingnan mo to ang kulit. Sabi ko tabi kami ng ayon naman umupo sa may harap ko.

"Ba't ka jan? Kasasabi ko lang na tabi tayo. Hahaha."

Choosing between First Love and True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon